Yes, 95 percent puno ang Araneta Coliseum nong Sabado ng gabi.
As a perfomer, ang laki talaga ng ini-improve ng boses ni Piolo. Hindi namin matatawaran ang kanyang husay sa pag-perform.
Nagulat si Piolo sa nakita niyang suporta ng tao sa kanya. Nasa front seat sina Charo Santos-Concio, Malou Santos, Olive Lamasan, Mariole Alberto, Deo Endrinal, Enrico Santos, Joanna Gomez-Santos at mga key people ng ABS-CBN, Star Cinema at Star Records.
Sa mga celebrities, sumuporta sina Claudine Barretto, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Kuh Ledesma, Vina Morales, Angelika dela Cruz, Angelica Panganiban, Patrick Garcia at marami pang iba.
Halos mabaliw ang tao sa number ni Aiai delas Alas. Una ay naka-gown ito at sa ending ay naka-2 piece na ito. Isa yon sa pinakakwelang gabi ng concert ni Piolo.
At ang pinaka-emotional sa lahat ay ang surprise appearance ni Mommy Amelia Pascual. Ang alam ni Piolo ay nasa America ito at hindi makakarating. Lingid sa kanyang kaalaman, umaga ng Sabado ay dumating na ito.
Sa kabuuan, masaya, nakaaliw at tagumpay ang concert ni Piolo.
Hindi na pinalampas ng ABS-CBN Talent Center ang pagkakataon at agad ding ipinainterbyu ang kanilang contract artist. Agad na pumunta si Desiree sa News & Current Affairs office where she was joined by Talent Center big boss Johnny Manahan.
Sa interbyu ni Korina Sanchez, itinanggi ni Desiree ang legality ng nasabing kasal. "I was so young then, about 20 when it happened. I fell in love with the person. And I regret to have done such a thing," sabi nito.
Para kay Desiree, ang nasabing kasal ay isa lamang laro. Lalo pat nangyari ito sa Las Vegas kung saan anytime ay pwedeng magpakasal ang sinumang may gusto.
Sa interbyu ni Elaine, sinabi niya na gusto lang niyang malinis ang kanyang pangalan sa isyu. Kahit nga kung tutuusin ay siya ang nagsimulang magsalita. Ang akin lang, kung nasira man si Elaine, kagagawan niya ang lahat. Siya itong gumawa ng lahat ng ikasisira niya.
As a Quezon City resident (and voter) since birth, lalo akong pinahanga ng aming incumbent Mayor Belmonte. Naniniwala ako na malaki ang iniunlad ng Quezon City sa term ni Mayor Belmonte.
Tama lang na since debate ang programa, inilahad ni Mayor Belmonte ang lahat ng nagawa niya sa lungsod sa loob lang ng tatlong taon. Isang nagawa ni Mayor Belmonte na ikinalulugod ko ay ang pagpapasemento ng major streets sa Quezon City tulad ng Commonwealth, Elliptical Road, East Avenue at Quezon Avenue.
Equally-impressive din si Vice Mayor Bautista. Handang-handa si Bistek sa laban, so to speak. Alam niya ang kanyang sinasabi at pati ang mga nagawa niyang ordinance sa lungsod.
Noong panahon ni Mathay, talamak ang corruption at red tape sa City Hall. Epitomy yan ng trapo. Yung term ni Mathay, isa yon sa pinakamadilim na era ng Quezon City.
Si Dingdong alam mong bagito pa. Wala pang masyadong alam sa nangyayari sa Quezon City. Marami pa siyang kakaining-bigas to be at par with Herbert.
Hindi kayo maniniwala na sa text poll ng "DPL" during the show, wala man lang positive comment na naibigay tungkol kay Mel Mathay.