Dala marahil ng kanyang katuwaan kung kaya hindi lamang tulong para sa kanya ang hinihingi niya mula sa kanyang mga kaibigang entertainment press kundi para rin sa mga kapwa niya artista na tumatakbo ngayong eleksyon.
Bong took a respite from his backbreaking campaign bago simulan ang phase 2 ng kanyang kampanya, para makipag-diwang sa kaarawan ng kanyang tatlong kaibigan from the entertainment press na nag-birthday kamakailan, sina Ricky Lo ng Phil. Star, Lhar Santiago ng GMA at si Isah Red ng Manila Standard.
Accompanied by his sister, Andrea or more popularly called Andeng by showbiz people, masayang nakipagkwentuhan si Bong tungkol sa mga plano niya in case na manalo siya. May malaki siyang plano na gagawin na magiging malaking tulong sa industriya na kanyang kinalakhan, ang pelikula. Habang nagsasalita ito, napansin ko ang kakaibang glow sa kanyang mukha at ang kaseryosohan bilang isang public servant. Isang colleague ang nagsabi sa akin na mas maliligayahan ito kapag nakuha niya ang pangunahing pwesto bilang Senador sa eleksyon.
Katungkulan ng mga botante ang alamin kung sino at ano ang mga taong kanilang iboboto. Huwag na nating alalahanin ang ating sarili, isipin na lamang natin ang kinabukasan ng ating mga anak, ng mga susunod na henerasyon, kung patuloy at patuloy tayong magbubulagbulagan sa mga hindi magagandang gawain ng mga pulitiko na pinagkakatiwalaan natin ng ating boto.
Maganda ang tambalan nina Mayor Belmonte at Vice Mayor Herbert Bautista. Si Bistek subok na rin yan. Muntik na yang maging mayor. Maganda ang tulungan nilang dalawa.
Taga-QC ako for the past 40 years, at marahil residente na ako rito habang buhay. Kaya nakikialam ako. Dapat kayo rin.
Mayron na naman bagong Korean movie na nakatakdang mapanood natin sa sususunod na buwan. Ito ang My Wife Is A Gangster, isang pelikula na may kumbinasyon ng martial arts at comedy.
Tungkol kay Cha Eun-jin (Shin Yun-geong) na kilala sa mob circles bilang Mantis. Ulila ito at nahiwalay sa kanyang kapatid na babae nung bata pa siya, lumaki sa gangstaville, kaya maalam sa mga paraan ng pakikipaglaban, at nagkaroon ng sarili niyang grupo.
Nagkita silang magkapatid pero malapit na itong mamatay kaya hiniling sa kanya na makita siyang ikinakasal at nabubuhay bilang isang may-asawa. Walang choice si Eun-jin kundi magpakasal sa isang lalaki (Park Sang-myeon) na walang alam tungkol sa kanya at sa buhay niya. May isang grupo na magtatangkang i-take over ang teritoryo niya. Lalabanan sila ni Eun-jin habang gumaganap ito bilang may-asawa. O, di ba interesting?