^

PSN Showbiz

Bong,gustong mag-No.1 !

- Veronica R. Samio -
Masaya na si Bong Revilla na matangi sa isang survey group na kung saan ay pumangalawa lamang siya pero, lubhang napakaliit ng kalamangan ng nanguna sa kanya, palagi siyang number 1 sa mga senatoriables. Isa marahil sa nagpabango ng kanyang pangalan ay ang napaka-gandang performance niya bilang Videogram Regulatory Board chairman na kung saan ay talagang pinairal niya ang isang kamay na bakal para hindi mamayani ang mga pirata na sumisira hindi lamang sa industriya natin ng pelikula kundi maging sa musika.

Dala marahil ng kanyang katuwaan kung kaya hindi lamang tulong para sa kanya ang hinihingi niya mula sa kanyang mga kaibigang entertainment press kundi para rin sa mga kapwa niya artista na tumatakbo ngayong eleksyon.

Bong took a respite from his backbreaking campaign bago simulan ang phase 2 ng kanyang kampanya, para makipag-diwang sa kaarawan ng kanyang tatlong kaibigan from the entertainment press na nag-birthday kamakailan, sina Ricky Lo ng Phil. Star, Lhar Santiago ng GMA at si Isah Red ng Manila Standard.

Accompanied by his sister, Andrea or more popularly called Andeng by showbiz people, masayang nakipagkwentuhan si Bong tungkol sa mga plano niya in case na manalo siya. May malaki siyang plano na gagawin na magiging malaking tulong sa industriya na kanyang kinalakhan, ang pelikula. Habang nagsasalita ito, napansin ko ang kakaibang glow sa kanyang mukha at ang kaseryosohan bilang isang public servant. Isang colleague ang nagsabi sa akin na mas maliligayahan ito kapag nakuha niya ang pangunahing pwesto bilang Senador sa eleksyon.
* * *
Hindi ko naman alam kung bakit kinailangan kong makipag-debate sa ilang mga kapwa ko taga-QC na nag-react nang magsalita ako kung bakit kinakailangan pang tumakbong muli ng isang nagbabalik na pulitiko gayong napaka-ganda na ng patakbo na ginagawa ni incumbent Mayor Sonny Belmonte sa aming lungsod. Mukhang natamaan ko ang ulo ng pako nang mag-react ng di maganda ang aking kausap na ang balik-pulitika pala ang iboboto, lalo na nang sabihin ko na kaya nagkakandaloko ang ating bansa ay dahilan sa napaka-rami pa ring tao ang di marunong bumoto. Bago pa siya makahuma, nagsimula na akong mag-litanya ng mga hindi nagawa ng kanyang kandidato, na si Mayor Belmonte ang nagpapatuloy, gaya ng pagbabayad ng mga utang na iniwan nito, ang pagpapaganda ng lungsod na sana ay napadali kung nag-iwan lamang ang kandidato niya ng pera sa kaban ng bayan at kung anu-ano pa.

Katungkulan ng mga botante ang alamin kung sino at ano ang mga taong kanilang iboboto. Huwag na nating alalahanin ang ating sarili, isipin na lamang natin ang kinabukasan
ng ating mga anak, ng mga susunod na henerasyon, kung patuloy at patuloy tayong magbubulagbulagan sa mga hindi magagandang gawain ng mga pulitiko na pinagkakatiwalaan natin ng ating boto.

Maganda ang tambalan nina Mayor Belmonte at Vice Mayor
Herbert Bautista. Si Bistek subok na rin yan. Muntik na yang maging mayor. Maganda ang tulungan nilang dalawa.

Taga-QC ako for the past 40 years, at marahil residente na ako rito habang buhay. Kaya nakikialam ako. Dapat kayo rin.
* * *
Simula nang mapanood ko ang Korean movie na Shiri, at magsunud-sunod ang mga Korean telenovelas, pakiramdam ko, magaling gumawa ng pelikula at mga serye sa TV ang mga Koreano.

Mayro’n na naman bagong Korean movie na nakatakdang mapanood natin sa sususunod na buwan. Ito ang My Wife Is A Gangster, isang pelikula na may kumbinasyon ng martial arts at comedy.

Tungkol kay Cha Eun-jin (Shin Yun-geong) na kilala sa mob circles bilang Mantis. Ulila ito at nahiwalay sa kanyang kapatid na babae nung bata pa siya, lumaki sa gangstaville, kaya maalam sa mga paraan ng pakikipaglaban, at nagkaroon ng sarili niyang grupo.

Nagkita silang magkapatid pero malapit na itong mamatay kaya hiniling sa kanya na makita siyang ikinakasal at nabubuhay bilang isang may-asawa. Walang choice si Eun-jin kundi magpakasal sa isang lalaki (Park Sang-myeon) na walang alam tungkol sa kanya at sa buhay niya. May isang grupo na magtatangkang i-take over ang teritoryo niya. Lalabanan sila ni Eun-jin habang gumaganap ito bilang may-asawa. O, di ba interesting?
* * *
[email protected]

BONG REVILLA

CHA EUN

EUN

ISANG

KANYANG

KUNG

MAYOR BELMONTE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with