Walang nangyayari sa career ni Troy kaya balak nitong mag-bold na at payag naman ang sexy star. Susuportahan naman niya ang nobyo. Baka sa pagbabagong imahe nito ay magkaroon ng sigla ang nananamlay na career ng aktor.
Abala ngayon si Aubrey sa syuting ng Single kasama sina Ara Mina at Angel Locsin.
Hindi naging maganda ang dating ni Ara nang sumama sa ama noong mag-guest ang dalawang partido sa pagka-mayor sa Quezon City kasama ang kanilang mga kandidato sa Dong Puno Live sa Dos.
Sa mga text messages na ipinakikita sa TV ay iisa ang mensahe na nagsasabing ang kapal naman ng mukha ni Ara na sumama pa sa daddy nito gayung naroon si Aiko Melendez na tumatakbo uling konsehal sa Kyusi. Syempre lumabas na underdog ang konsehala dahil feeling nila, inagaw ni Ara kay Aiko si Jom.
Sa kabilang banda, cool na cool naman sa programa sina Mayor Sonny Belmonte at Bistek habang nagpapaliwanag ng mga nagawa sa Kyusi kung saan tumaas nang husto ang pera sa kaban ng lungsod.
Sabi nga ng husband ko na nagtatrabaho sa Philippine Airlines, sa lahat ng naging pinuno ng PAL, pinakagusto nila si Mayor Belmonte dahil ang kinikita ng airlines ay ibinabahagi rin sa PALEA o sa mga employee kung saan napakarami nilang benepisyo noon.
Masaya ang lovelife ng young actress dahil four years na sila ng kanyang nobyong anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ang tawag nya rito ay "Mahal". Seloso si Panfi ayon sa aktres pero naiintindihan naman niyang kaya ganito ang ugali ng bf ay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Magkasama ang dalawa sa Baguio noong Mahal na Araw.
Tumutulong ba siya sa kampanya ng kanyang futures father-in-law?
Ayon sa aktres, hindi niya ito magawa dahil sa kaabalahan sa trabaho at di rin siya registered voter kaya gustuhin man niyang iboto ito sa darating na halalan ay di rin niya magagawa.
Ang sinumang makabili ng minimum purchase of P300 ng Leonardo Bags sa SM Department Stores nationwide ay may pagkakataong makasali sa promo.
Ang koronasyon ng Ms. Philippines 2004 ay sa May 2 sa UP Theater at mapapanood sa ABS-CBN ng 9:30 PM.
Hindi rin nagustuhan ni Popoy (manager ni James Blanco) ang pagdi-deny ng seksing aktres tungkol sa alagang aktor. Naimbyerna sila lalo na nang sabihing di kilala si James gayung nagkasama ang dalawa sa Maynila ni Mayor Lito Atienza.
Sinabi nga ni James na panoorin nito ang tape ng teleserye para makilala siya nito.
No wonder na kaya hindi umangat ang career nito ay dahil sa pagiging denial queen.