Ara MIna, nanalo na naman ng award
April 26, 2004 | 12:00am
Successful na nairaos ng Entertainment Press Society ang kanilang kauna-unahang Golden Screen Awards na ginanap noong Sabado ng gabi sa Meralco Theater in Ortigas. Actually, mas star studded pa nga ito kumpara sa ibang awards night.
At least don, hindi lang mga winners ang present, andoon din ang ibang nominees like Maricel Soriano and Zsa Zsa Padilla na nominated sa best actress category - drama na napanalunan naman ni Ara Mina para sa pelikulang Ang Huling Birhen sa Lupa.
Credible ang mga winners sa katatapos na 1st Golden Screen Awards.
Best pictures ang Magnifico ng Violett Films na according to Direk Maryo J. delos Reyes, pang-36 na nilang award yun mula sa ibat ibang award giving bodies sa nasalihan nilang local and international film festival. Si Direk Maryo J. ang best director.
Best Picture naman in comedy or musical category ang Bridal Shower ng Seiko Films directed by Jeffrey Jeturian na nag-accept ng award.
Sa nasabing pelikula, nanalo si Cherrie Pie Picache as best actress in comedy or musical. "Ngayon lang ako tatanggap ng award na pwede akong magsalita," the actress said sa simula ng kanyang acceptance speech.
Sa part naman ni Ara, si Jomari Yllana ang presentor sa category na napanalunan niya - best actress - drama category.
Kaya nang sabihin niyang (Jomari) si Ara ang winner, tilian ang mga nasa audience.
Sa acceptance speech ni Ara: "Baka makalimutan ko pa, uunahin ko nang pasalamatan si Jom. Trophy ka na sa akin pero binigyan pa ako ng ganito," na parang iiyak pang sabi ni Ara. "Hon may nakalimutan pa ba ako?" tanong niya pa kay Jom sa mga pasasalamatan niya. Nag-kiss pa si Jom sa kanya.
At least ngayon, very open na sila. Hindi na talaga nila itinatago ang kanilang relasyon.
Si Albert Martinez naman ang nanalong best actor - drama para sa pelikulang Magnifico. Tatay ni Jiro Manio ang role niya sa pelikulang to. Matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakakatanggap ng award sabi ni Albert sa kanyang acceptance speech na kasama ang buong pamilya na nag-attend.
Sayang at wala si Aga Muhlach para personal na tanggapin ang kanyang trophy for best actor for musical or comedy para sa pelikulang Kung Ako Na Lang Sana.
Naging trivia host si Aga ng 1st Golden Screen Awards night.
For the first, na-recognize din ang acting ni Judy Ann Santos for Mano Po 2 na nanalong best supporting actress - drama. Isa si Judy Ann sa segment host with Dingdong Dantes.
Sina Juliana Palermo (www. XXX. com) and Alfred Vargas (Bridal Shower) ang binigyan ng breakthrough acting award na nagpakita ng kanilang kakaibang galing sa kanilang first movie respectively.
Si Dolphy naman ang pinagkalooban ng first Lino Brocka Lifetime Achievement Award na nakakatuwa ang speech dahil lahat ng pasalamatan niya ay nasa langit na. Siya na lang daw halos ang natitira sa mga kapanabayan niya.
Narito ang iba pang mga nanalo:
Best Supporting Actor: Tirso Cruz III (The Debut) Best Cinematography: Odessy Flores (Magnifico) Best Editing: Manet Dayrit (Magnifico) Best Production Design: Gerry Santos (Magnifico) Best Sound: John M. Davis (The Debut) Best Musical Score: Lutgardo Labad (Magnifico) Best Original Song: Ogie Alcasid (Pangarap Ko Ang Ibigin Ka) Best Visual Effects: Dodge Ledesma (Malikmata)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended