School For The Performing Arts
April 25, 2004 | 12:00am
Sa Amerika, maraming mga school for performing arts. Kaya ang mga kabataang gustong mag-artista o gustong magkaroon ng career sa showbiz, sa mga ganitong paaralan pumapasok, simula pagkabata.
Noong nakita ko ang bagong pelikulang School of Rock na bida sina Jack Black at Joan Cusack, naalala ko tuloy ang ating sariling paaralan na humubog din sa mga kabataan para maging mga artista sa pelikula, telebisyon o sa musika.
Noong 60s at hanggang early 70s, bukas pa ang nag-iisang Premiere High School. Doon sa kalye Dasmariñas dating nakatayo ang pambihirang paaralang ito.
Doon kasi sa Premiere High School, na itinatag syempre ng Premiere Productions na isa sa mga big three film companies noong panahong yon, ay incorporated ang mga courses sa acting, singing at pati ang pagtugtog ng ibat ibang musical instrument sa kanilang academic curriculum.
Sa iskwelang ito, kapag pinasok ninyo, maraming magaganda at poging mag-aaral. Yon bang mga tipong artista talaga. Di ko lang alam kung lahat sila may talent.
Meron din naman na mga mukhang Pinoy na mala-Roderick Paulate o mga babaeng plain-face tulad ng sinasabi ni Mama Monching. Siguro naman may angkin silang talento kaya pumasok doon.
Sa Premiere High School, legal ang mga subjects nila tungkol sa showbiz. Talagang may permiso ng Department of Education para magbigay ng kakaibang curriculum sa mga istudyante.
Marami rin namang mga graduate ng Premiere ang naging artista at nakalabas sa mga pelikula, hindi lamang sa Premiere Productions, kundi pati na sa Sampaguita.
Nagsara na ang nasabing school. Sa kasalukuyan, higit na kailangan ang ganitong uri ng paaralan. Lalo pat higit na dumarami ang mga kabataang gustong pumasok sa showbiz.
Sana magkaroon uli tayo ng mga ganitong klaseng school. Ang isang naisip kong kayang-kayang magtatag ng Performing Arts Elementary at High School sa ating bansa ay si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am