Santacruzan 2004 sa Binangonan

Noong araw, napakalaking karangalan ang makuha kang Reyna Elena sa Santakrusan. Bibihira kasi ang napipiling maging Reyna, kailangan malinis ang iyong pangalan at maging maganda ka.

Ilan sa mga artistang nakumbida na maging Reyna Elena sa bayan ng Binangonan, Rizal at sumikat katulad nina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jodi Sta. Maria, Jessa Zaragoza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo, Ana Roces, Tina Monasterio, Marianne dela Riva at Hazel Espinosa. Panata ang turing sa Santakrusang ginaganap dito bawat taon. Ayon kina Chair Komite ng Santakrusan, Gomer O. Celestial, Brgy. Chairman Larry G. Arada at kagawad Lucy Flora ng Cultural Affairs na ang Santakrusan ay tampok sa Pista ng Krus sa Barangay Libid sa ika-2 ng Mayo sa ganap na ika-7:00 ng gabi.

Ang magandang print ad commercial model, na si Kristine Lopez ang napiling maging Reyna Elena. Ang gown na isusuot ni Kristine ay nilikha ng designer na si Aya Lozada ng Ramaya Collection at ang kanyang konsorte ay ang bagets actor ng programang Love 2 Love, Click, Kahit Kailan na si Biboy Ramirez. Sina Gabriel Perez bilang Konstantino at Arell Rivera ang Obispo. Ito ay lalahukan ng mga piling kinatawan ng bawat barangay at mga nagwaging Princesita ng Binangonan ’04 sa pamumuno ni Dra. Rose Martha C. Ynares, pangulo ng Binangonan Federation of Womens Club sa pagtataguyod ng Sangguniang Barangay at Kabataan ng Libid, Silka Papaya, G. at Gng. Joel Gaviño, G. at Gng. Noel Tiraña, Victor Santos, Kabalikat Civicom, Binangonan Riders Club at Barangay Tanod para sa kaayusan ng prusisyon.

Show comments