Joyce,desididong makatapos ng pag-aaral
April 25, 2004 | 12:00am
Saludo kami kay Joyce Jimenez dahil sa kabila ng kaabalahan sa kanyang boutique sa SM Manila ay nag-aaral ito ngayon sa Thames ng kursong Business Management. Desidido itong magtuluy-tuloy sa kanyang pag-aaral para magkaroon ng college degree.
Hindi na nga nito itinuloy ang pagtungo sa LA para mag-artista dahil mahirap ding maka-penetrate sa Hollywood movie.
Kaya sa halip ay pinili na lang ang pag-aaral sa bansa.
Hindi nahihiya si Joyce kung nakikita man siya ng mamimili na nagkakahera sa kanyang boutique.
Umuusok sa galit ang manager ni Angel Locsin dahil sa malaswang artikulo na lumabas tungkol sa kanyang alaga. Nakasaad na sa artikulo sa pelikulang Singles ay nagpakita ng kepyas at tayung-tayo ang mga boobs ni Angel na wala namang katotohanan.
Balak nilang idemanda ang reporter na nagsulat nito na lumabas sa isang tabloid (hindi sa PSN) o kung hindi man ay kailangang mag-public apology ang publisher ng tabloid.
Ayon pa kay Becky Aguila, lahat ng proyekto ng kanyang mga alaga ay sinasala nilang mabuti para protektahan ang imahe nila lalo na si Angel na isa sa pambato ngayon ng GMA 7.
Sa kabilang banda, nagselebrayt ng kanyang 19th birthday noong April 24 ang magandang young actress sa piling ng mga kasamahang artista sa Love 2 Love.
Bilang pa-birthday sa kanyang sarili ay bumili ito ng condo na nagkakahalaga ng P2.3 milyon. Ang Columbia Garden Residence ay located sa main Commonwealth na malapit din sa tirahan ng kanyang manager. Napaka-cute ng condo na may isang bedroom lang pero napakaganda ng pagkakaayos. Si Angel bale ang first tenant dito na malapit sa St. Peter Church at Mall.
Hulugan lang ang condo for five years gayundin ang kanyang CRV car kaya dobleng kayod ang ginagawa nito. Natutuwa siya dahil may maipagmamalaki na siyang investment na galing sa kanyang pawis.
Inspirado ang aktres dahil unti-unti na nitong nakikita ang lahat ng kanyang pinagpaguran sa showbiz.
Kapag sinuwerte si Angel ay pangarap din niyang makabili ng bahay sa Fil-invest.
Gustung-gusto ni Dina Bonnevie ang role niya sa I Will Survive ng Regal Entertainment. Ang kanyang asawa sa pelikula na si Tonton Gutierrez ay sumasamba sa kanya na taliwas naman kina Maricel Soriano at Judy Ann Santos kung saan unfaithful ang kanilang asawa.
May nagtanong kung bakit gumawa siya ngayon ng pelikula kay Mother Lily. Di bat nagkaroon sila ng gap nang ibigay ang role na third wife kay Lorna Tolentino gayung itoy ipinangako sa kanya?
Okey naman ang nangyari, blessing in disguise pa nga ito dahil mas challenging ang naging role ko sa Bridal Shower.
"Nang mapanood ko ang Mano Po 2 ay nagandahan ako sa movie kaya nang makita ko si Mother ay binati ko siya. Akala nga niya ay mayroon akong tampo sa kanya. Ayoko na ng may kaaway. Na-touched naman si Mother Lily kaya noong birthday ko ay binigyan niya ako ng party last January. Then inoffer pa niya sa akin ang I Will Survive," anang aktres.
Inamin ni Dina na may boyfriend na nga ang kanyang anak na si Danica at itoy ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta. May nobya na rin si Oyo Boy, si Nadine Samonte na kapareha niya sa soap opera na Ikaw sa Puso Ko.
Natutuwa si Dina dahil nagsabi si Oyo na gusto nitong mag-enroll ngayon sa college.
Nag-invite ang isang young actor sa kanyang mga kabarkadang artista sa isang hotel suite dahil birthday niya.
Nagpuntahan naman ang mga ito kaya lang kaiba ito sa ibang birthday party.
Hindi mo aakalain na gawin nila ito dahil wholesome ang image ng mga nagkaibigan na mayroong regular program.
Hindi na nga nito itinuloy ang pagtungo sa LA para mag-artista dahil mahirap ding maka-penetrate sa Hollywood movie.
Kaya sa halip ay pinili na lang ang pag-aaral sa bansa.
Hindi nahihiya si Joyce kung nakikita man siya ng mamimili na nagkakahera sa kanyang boutique.
Balak nilang idemanda ang reporter na nagsulat nito na lumabas sa isang tabloid (hindi sa PSN) o kung hindi man ay kailangang mag-public apology ang publisher ng tabloid.
Ayon pa kay Becky Aguila, lahat ng proyekto ng kanyang mga alaga ay sinasala nilang mabuti para protektahan ang imahe nila lalo na si Angel na isa sa pambato ngayon ng GMA 7.
Sa kabilang banda, nagselebrayt ng kanyang 19th birthday noong April 24 ang magandang young actress sa piling ng mga kasamahang artista sa Love 2 Love.
Bilang pa-birthday sa kanyang sarili ay bumili ito ng condo na nagkakahalaga ng P2.3 milyon. Ang Columbia Garden Residence ay located sa main Commonwealth na malapit din sa tirahan ng kanyang manager. Napaka-cute ng condo na may isang bedroom lang pero napakaganda ng pagkakaayos. Si Angel bale ang first tenant dito na malapit sa St. Peter Church at Mall.
Hulugan lang ang condo for five years gayundin ang kanyang CRV car kaya dobleng kayod ang ginagawa nito. Natutuwa siya dahil may maipagmamalaki na siyang investment na galing sa kanyang pawis.
Inspirado ang aktres dahil unti-unti na nitong nakikita ang lahat ng kanyang pinagpaguran sa showbiz.
Kapag sinuwerte si Angel ay pangarap din niyang makabili ng bahay sa Fil-invest.
May nagtanong kung bakit gumawa siya ngayon ng pelikula kay Mother Lily. Di bat nagkaroon sila ng gap nang ibigay ang role na third wife kay Lorna Tolentino gayung itoy ipinangako sa kanya?
Okey naman ang nangyari, blessing in disguise pa nga ito dahil mas challenging ang naging role ko sa Bridal Shower.
"Nang mapanood ko ang Mano Po 2 ay nagandahan ako sa movie kaya nang makita ko si Mother ay binati ko siya. Akala nga niya ay mayroon akong tampo sa kanya. Ayoko na ng may kaaway. Na-touched naman si Mother Lily kaya noong birthday ko ay binigyan niya ako ng party last January. Then inoffer pa niya sa akin ang I Will Survive," anang aktres.
Inamin ni Dina na may boyfriend na nga ang kanyang anak na si Danica at itoy ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta. May nobya na rin si Oyo Boy, si Nadine Samonte na kapareha niya sa soap opera na Ikaw sa Puso Ko.
Natutuwa si Dina dahil nagsabi si Oyo na gusto nitong mag-enroll ngayon sa college.
Nagpuntahan naman ang mga ito kaya lang kaiba ito sa ibang birthday party.
Hindi mo aakalain na gawin nila ito dahil wholesome ang image ng mga nagkaibigan na mayroong regular program.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended