Nakasabay niya itong mag-outing sa Jade Resort sa Malolos, Bulacan nung Miyerkules at bagaman at may mga kasama ito, wala siyang batang nakita. Ang nakita niya ay ang nanay nito at si Mark Herras na obviously daw ay may relasyon na kay Jennylyn dahilan sa nakita nila na naghahalikan ito, lips to lips, habang nakahiga sa malapit sa pool.
Naawa lamang daw si Myla kay Jennylyn dahilan sa maraming balita ang nagsasabi na may anak na ito gayong wala naman siyang nakita na batang kasama nito.
Si Cheri ay gumawa na ng marka bilang isang mahusay na live reporter. Nakasama siya sa palabas sa cable na Coffee Talk at bahagi ng isang grupo ng mga kabataang hosts na kinilala sa 2003 Star Awards.
Sa kabilang dako, patuloy si Amelyn sa pagbibigay ng newscast simula pa nung 1991, nagtapos ito sa UP at lumawak ang karanasan sa broadcasting sa pamamagitan ng ilang public affairs shows sa ibat ibang network sa paglipas ng panahon.
Ang paligsahan ay prodyus ni Renee Salud kasama ang isang dating Bb. Pilipinas as co producer sa pakikipagtulungan ng City Government sa pamumuno ni City Administrator Atty. Jojo N. Ochoa, Jr. under the leadership of Mayor Sonny Belmonte.
Dalawamput apat na fashion designer din na taga-QC ang kinuha para damitan ang mga kalahok. Layunin na palawakin ang paggamit ng local fabric na Abel Iloko mula sa ILocos Region as the main material na gagamitin para sa mga damit ng kalahok.
Unang napanood ang kambal sa pelikulang Otso Otso, Pamela Mela Wan na kung saan nakita ang husay nila sa pagpapatawa.
Pangarap ng dalawa na maabot man lamang kundi nila malalampasan ang mga nagawa ng kanilang ama na si Bembol Roco bilang artista.
Kahit na magkamukhang-magkamuha, hindi mahihirapan ang kahit na sino na makilala kung sino si Felix at kung sino si Dominic. Si Dominic ang seryoso sa dalawa at happy-go-lucky naman si Felix. Pareho silang mahilig mag-basketball at ang larong ito ang madalas nilang pag-awayan. Size 9 ang paa ni Dominic at 8 1/2 naman si Felix.