Edu,tumangging magsama ng bodyguard
April 22, 2004 | 12:00am
Ngayon, nararamdaman na ni Edu Manzano ang hirap ng trabaho na iniwan sa kanya ni Bong Revilla bilang chairman ng VRB na nasa ilalim ng Optical Media Board. Dahil kailangan niyang maging mas mahigpit pa kay Bong kung gusto niyang hindi mapintasan ang trabaho niya, mas marami ang death threats na tinatanggap niya. Katunayan, pinipilit na siyang maghigpit ng security at gumamit ng bodyguards na hindi pa niya sinusunod hanggang ngayon dahil hindi siya magiging komportable at maiilang kung may magbabantay na sa bawat galaw niya.
Matagal na rin naman since palitan niya si Bong pero, hanggang ngayon ay hindi pa siya nagdadala ng bodyguard although he will have to reconsider kung gusto niyang maging ligtas ang kanyang buhay at magtagal pa siya sa trabaho niya.
Bagaman at ayaw nang pabigyan pa ni Edu ng masyadong publisidad ang kanyang mga gawain, marami siyang ginagawang mga raids, maliit man o malaki, which have yielded thousands of pirated goods at nagbigay ng malaking kalugihan sa mga may negosyo nito.
Kung inyong natatandaan, si senatoriable Ernesto Boy Herrera ang isa sa mga naunang inendorso ni Kris Aquino. May iba nang ini-endorso ngayon ang dating presidential daughter pero hindi humihina ang laban nito sa bawal na gamot.
"Mas lumaki na ang problema natin dito. Our country has become a more convenient venue for the drug trade. Dahil maluwag ang ating batas dito. Mayroon na tayong nasentensyahang 27 drug lords pero, hanggang ngayon nakakulong pa rin sila. Samantalang sa Singapore, 30 araw matapos na masentensyahan ang mga drugs lords ini-execute na agad sila," anang academician na ngayon ay isang senatoriable sa partido ni Fernando Poe, Jr. na Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ginawang batas ni Herrera!
Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na nagtutulak sa kapakanan ng mga OFWs at kanilang pamilya; Paternity Leave Act na kumikilala sa role ng mga ama sa pagpapalaki ng mga anak at nagbibigay sa kanila ng pitong araw na paid leave; Anti Child Labor Law na nagbabawal ng pagbibigay ng trabaho sa mga batang 15 taon pababa; SSS Portability Law na pumapayag na lumipat sa pribadong trabaho ang isang empleyado ng gobyerno at madadala niya ang full benefits sa ilalim ng SSS; Republic Act 8282 na nagdadagdag ng buwang pensyon ng mga SSS members at nagpapalawak ng coverage at benefits ng SSS.
Sa kabila ng kasagsagan ng kanyang kampanya bilang congressman ng 2nd district ng Pampanga, hindi nakakalimutan ni Mikey Arroyo na isa pa rin siyang artista, pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon ay ipalalabas ang huling tinapos niyang pelikula, ang Kapitan Kidlat.
Bilang vice gov., ay maraming nagawang proyekto si Mikey sa kanyang nasasakupan. "Kaya nga kapag nahalal ako bilang congressman, mas marami pa akong magagagawang proyekto at tuluy-tuloy na ang pagtulong ko sa mas nakakarami," ani Mikey.
Matagal na rin naman since palitan niya si Bong pero, hanggang ngayon ay hindi pa siya nagdadala ng bodyguard although he will have to reconsider kung gusto niyang maging ligtas ang kanyang buhay at magtagal pa siya sa trabaho niya.
Bagaman at ayaw nang pabigyan pa ni Edu ng masyadong publisidad ang kanyang mga gawain, marami siyang ginagawang mga raids, maliit man o malaki, which have yielded thousands of pirated goods at nagbigay ng malaking kalugihan sa mga may negosyo nito.
"Mas lumaki na ang problema natin dito. Our country has become a more convenient venue for the drug trade. Dahil maluwag ang ating batas dito. Mayroon na tayong nasentensyahang 27 drug lords pero, hanggang ngayon nakakulong pa rin sila. Samantalang sa Singapore, 30 araw matapos na masentensyahan ang mga drugs lords ini-execute na agad sila," anang academician na ngayon ay isang senatoriable sa partido ni Fernando Poe, Jr. na Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ginawang batas ni Herrera!
Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na nagtutulak sa kapakanan ng mga OFWs at kanilang pamilya; Paternity Leave Act na kumikilala sa role ng mga ama sa pagpapalaki ng mga anak at nagbibigay sa kanila ng pitong araw na paid leave; Anti Child Labor Law na nagbabawal ng pagbibigay ng trabaho sa mga batang 15 taon pababa; SSS Portability Law na pumapayag na lumipat sa pribadong trabaho ang isang empleyado ng gobyerno at madadala niya ang full benefits sa ilalim ng SSS; Republic Act 8282 na nagdadagdag ng buwang pensyon ng mga SSS members at nagpapalawak ng coverage at benefits ng SSS.
Bilang vice gov., ay maraming nagawang proyekto si Mikey sa kanyang nasasakupan. "Kaya nga kapag nahalal ako bilang congressman, mas marami pa akong magagagawang proyekto at tuluy-tuloy na ang pagtulong ko sa mas nakakarami," ani Mikey.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended