Maricel,may love scene sa isang bold actor
April 21, 2004 | 12:00am
Itinuturing ng bold actor na si John Apacible na isang malaking karangalan ang makapareha lalot sa isang bedscene, si Maricel Soriano sa pelikulang I will Survive ng Regal Films na kung saan ay gumaganap siyang lover ng multi-awarded actress.
"Guest appearance lamang ito but, still, I feel honored na makasama siya, much more, makapareha siya sa isang eksena," ani John whose other film, Check-Inn of ATB4 is opening today sa mga sinehan.
Regular na mapapanood si John sa Bastat Kasama Kita sa ABS CBN starring Robin Padilla and Judy Ann Santos. Asawa naman ni Tetchie Agbayani ang kanyang role sa nasabing serye.
Isa pa ring ka-kwadra ni John sa ilalim ng pamamahala ni Leo Dominguez ang kasalukuyang abala sa kanyang career ngayon. Ito si Reggie Curley na kasama rin sa I Will Survive na nasa pamamahala ni Direktor Joel Lamangan. Third movie na ito ng model turned actor na bukas ay mapapanood sa drama anthology na Magpakailanman na gumaganap ng role bilang matapang at basagulerong kasintahan ni Ethel Booba na ginagampanan naman ni Maureen Larrazabal.
Isang magandang career move yung pagawin ng kanta ang Search For A Star winner na si Rachelle Ann Go kasama ang sikat na Salbakuta.
May isang CD Lite na ini-release ang Viva Records na nagtatampok sa kanilang apat na pinamagatang "Gloria".
Ang Salbakuta ang gagawa ng rap part at si Rachelle naman ang kakanta ng part na inawit originally ni Laura Branigan. Inaasahan na magiging instant hit ang "Gloria" dahil naging isang malaking hit ito during its time. Listeners are likely to associate the song kay PGMA dahilan sa eleksyon ngayon at di ba ito naman ang dating bansag sa kanya?
Napag-uusapan na rin lamang si Pangulong Gloria Arroyo, sa tuwing lumalabas ito ng bansa ay palaging nagsasama ng isang representative mula sa movie industry. Ito ay sa dahilan palagi itong handang makipag-usap sa mga ibang world leader ng posibilidad na makapagbukas ng market para sa pelikula natin. Madalas isama nito si Vic del Rosario ng Viva Entertainment Group. Kasama ito nang bumisita si PGMA sa Indonesia last year. Dun nabigyan ng pagkakataon si G. Del Rosario na makausap ang mga pangunahing Indonesia movie and TV producers at mga video company execs.
Nakasama rin ito sa pagpunta ng Pangulo sa Japan, Malaysia at iba pang bansa sa Asya. Dating pangunahing impluwensya sa Asya ang ating mga pelikula bago ito naungusan ng mga kalapit bansa natin tulad ng Hongkong, Singapore at Malaysia.
Dahilan sa isa siyang avid Tagalog movie fan, personal na pinangangasiwaan ni PGMA ang pagpapatatag ng ating hold sa Asian cinema.
Naging matagumpay ang pagdiriwang ng ika-30th anniversary ng Movie Workers Foundation, Inc. (MOWELFUND) na dinaluhan ng mahigit sa 2,000 myembro kasama ang kanilang pamilya at dinaluhan ni QC Mayor Feliciano Sonny Belmonte and 1st Dist, Councilor Bernadette Herrera.
Sinimulan ang pagdiriwang ng isang banal na Misa at sinundan ng isang medical services ng dental, medical, laboratory test, ECG, X-ray, ENT at mga referrals.
Nagkaroon din ng demo ng basic haircutting at reflexology, yoyo demo at martial arts for kids sa kagandahang loob ni Eng. Dion Diaz ng Phil. Tourism Authority, isang musical program at bingo social.
On leave ang executive director ng Mowelfund na si Boots Anson Roa, pero dumating ang myembro ng Board of Trustees na sina Atty. Esperidion Laxa, Eddie Romero, Director Edgardo Boy Vinarao, Hero Bautista na kumatawan kay Vice Mayor Herbert Bautista, Nick de Ocampo, Chit Sambile, mga kaibigan sa entertainment media at marami pang iba.
"Guest appearance lamang ito but, still, I feel honored na makasama siya, much more, makapareha siya sa isang eksena," ani John whose other film, Check-Inn of ATB4 is opening today sa mga sinehan.
Regular na mapapanood si John sa Bastat Kasama Kita sa ABS CBN starring Robin Padilla and Judy Ann Santos. Asawa naman ni Tetchie Agbayani ang kanyang role sa nasabing serye.
May isang CD Lite na ini-release ang Viva Records na nagtatampok sa kanilang apat na pinamagatang "Gloria".
Ang Salbakuta ang gagawa ng rap part at si Rachelle naman ang kakanta ng part na inawit originally ni Laura Branigan. Inaasahan na magiging instant hit ang "Gloria" dahil naging isang malaking hit ito during its time. Listeners are likely to associate the song kay PGMA dahilan sa eleksyon ngayon at di ba ito naman ang dating bansag sa kanya?
Napag-uusapan na rin lamang si Pangulong Gloria Arroyo, sa tuwing lumalabas ito ng bansa ay palaging nagsasama ng isang representative mula sa movie industry. Ito ay sa dahilan palagi itong handang makipag-usap sa mga ibang world leader ng posibilidad na makapagbukas ng market para sa pelikula natin. Madalas isama nito si Vic del Rosario ng Viva Entertainment Group. Kasama ito nang bumisita si PGMA sa Indonesia last year. Dun nabigyan ng pagkakataon si G. Del Rosario na makausap ang mga pangunahing Indonesia movie and TV producers at mga video company execs.
Nakasama rin ito sa pagpunta ng Pangulo sa Japan, Malaysia at iba pang bansa sa Asya. Dating pangunahing impluwensya sa Asya ang ating mga pelikula bago ito naungusan ng mga kalapit bansa natin tulad ng Hongkong, Singapore at Malaysia.
Dahilan sa isa siyang avid Tagalog movie fan, personal na pinangangasiwaan ni PGMA ang pagpapatatag ng ating hold sa Asian cinema.
Sinimulan ang pagdiriwang ng isang banal na Misa at sinundan ng isang medical services ng dental, medical, laboratory test, ECG, X-ray, ENT at mga referrals.
Nagkaroon din ng demo ng basic haircutting at reflexology, yoyo demo at martial arts for kids sa kagandahang loob ni Eng. Dion Diaz ng Phil. Tourism Authority, isang musical program at bingo social.
On leave ang executive director ng Mowelfund na si Boots Anson Roa, pero dumating ang myembro ng Board of Trustees na sina Atty. Esperidion Laxa, Eddie Romero, Director Edgardo Boy Vinarao, Hero Bautista na kumatawan kay Vice Mayor Herbert Bautista, Nick de Ocampo, Chit Sambile, mga kaibigan sa entertainment media at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended