Naging ASAP Global Mania ang nangungunang ABS-CBN noontime show kamakailan, dahil nagtanghal ito ng isang ispesyal na edition na pinagsama ang 100%. Waging elemento ng dalawang shows, na ini-ere na live mula sa Studio 10 sa ABS-CBN Broadcasting Complex sa Quezon City, at sa Cow Palace sa San Francisco.
Mahigit na 8,000 Filipinos ang dumagsa sa Cow Palace para makita nang personal ang kanilang mga iniidolong artista ng ABS-CBN. Alas-dos pa lang ng hapon, pumila na sa labas ng Cow Palace ang daan-daang Pinoy para mag-abang sa palabas ng araw na iyon, kahit na napakalamig ng panahon.
Pinangunahan ng Concert King na si Martin Nievera ang listahan ng mga naglalakihang artista na nag-perform sa Cow Palace. Sinamahan siya ng The Hunks sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi Vina Morales, Camille Prats, Mickey Ferriols and and ang mga young loveteams na sina Heart Evangelista at John Prats, John Lloyd Cruz at Kaye Abad.
Kahit na maituturing na baguhang mga artista pa lamang ang iba sa mga nag-show sa Cow Palace, kilalang-kilala sila sa America dahil sila ay napapanood nang regular sa TFC. Sa pamamagitan ng TFC, updated ang mga kababayan natin abroad sa mga showbiz happenings at iba pang mahahalagang balita tungkol sa Pilipinas.
Ang mga performers naman na based sa West Coast na sina G Toengi, Anjanette Abayari at Louie Reyes, kasama si Joey Albert na based sa Vancouver, Canada, ay kabilang din sa maraming naging sorpresa sa Cow Palace.
Mula naman sa Studio 10, nag-host at nakipagbatuhan ng production numbers sina Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Kuh Ledesma, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Sheryn Regis, Erik Santos, Anna Fegi, Mark Bautista, Nina, King at Bituin Escalante.
Ang highlight ng selebrasyon ay ang paglu-launch ng TFC ng bago nitong logo at station ID na may theme na ni-record ng world-class talent na si Lea Salonga. Mula sa Studio 10 sa Manila, kinanta ni Lea ang "Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika," ang original composition ni Dodjie Simon na ini-arrange ng kapatid ni Lea na si Gerard Salonga. Kasama ni Lea ang Philippine Madrigal Singers sa pag-awit at sa recording ng TFC theme.
Sa kasalukuyan, mahigit na sa isang milyong Pilipino sa ibat ibang bahagi ng mundo ang nakakapanood ng ABS-CBN shows sa pamamagitan ng TFC.
Higit sa paggawa ng mga palabas na nagdadala ng aliw, kaalaman at drama, ang TFC ay naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Dahil sa TFC, nakikiisa pa rin ang mga pamilyang Pilipino sa buhay, kultura, pamumuhay at mga bagay at pangyayaring ipinagmamalaking Pinoy na Pinoy, gaano man kalayo ang kanilang mararating.