Sexy star, itinatago ang lover na manager

May nakapagbulong na ang pakilala ng sumisikat na sexy actress sa mga showbiz friend ay manager ang nagha-handle ng career niya. Noong una ay naniniwala sila hanggang matuklasan na ang manager pala nito ay lover din ng sexy star dahil sa iisang condo unit sila nakatira.

Itinatatwa rin ng aktres ang address ng kanyang condo sa mga reporter na gustong interbyuhin siya dahil doon din pala nakatira ang kanyang manager na lover na hindi naman bading kundi machong lalaki.
Gustong Mag-Aral Ng Culinary Arts
Wala nang mahihiling pa sa kanyang showbiz career si Eric Quizon dahil naabot na nito ang tagumpay bilang magaling na aktor at director. Kahit masasabing isa na ito sa pinakamatatag na artista ay gusto pa rin niyang magkaroon ng simpleng pamumuhay. "I’m alone but not lonely at enjoy ako sa aking buhay. Kagagaling ko lang ng Amerika. Dinalaw ko ang aking ina. I love traveling din. First movie ko this year ang I Will Survive at naiiba ito sa Pusong Mamon.

"Mas hirap ako rito dahil tago ang pagiging bading ko. Aerobics instructor ako rito na na-in love sa isang machong pulis na si Redgie Curley. This is a heart warming light drama movie.

"May problema kaming magkakabarkada na sina Dina Bonnevie, Judy Ann Santos at Maricel Soriano pero nalusutan din namin. Mas hirap ako sa role ko ngayon dahil closet queen ako at iniiwasan kong malaman ito ng aking anak na si Jay Aquitania na hindi ko alam ay gay din pala. Tiyak na magi-enjoy sila sa movie," say pa ng aktor.

Tinanong din namin si Eric kung fulfilled na siya bilang director at aktor. Masaya raw siya dahil sa tagumpay na nakamit sa showbiz. Kung may gusto pa ba itong mangyari sa buhay ay ang pag-aaral ng culinary arts.

"Mahilig din kasi akong magluto at gusto kong kumuha ng culinary arts dahil pangarap kong makapagpatayo ng sariling restaurant," aniya.

Paano naman niya ilalarawan ang sarili bilang director? Naninigaw din ba siya kapag nagkakamali ang kanyang mga artista?

"Paminsan-minsan, nagagalit din ako pero may malaking dahilan. Nangyari ito sa aming crowd control nang minsang nagsyuting kami. Ang ingay-ingay ng mga taong nanood ng syuting kaya hinanap ko sila. Nang hindi ko makita ay ako na ang nagpatahimik sa mga tao. Kung sumigaw man ang isang director sa kanyang artista ay hindi ibig sabihin na galit siya rito, kundi gusto lang ng mga director na matuto sa pag-arte ang isang artista. Pero hindi ko pa naranasan na sumigaw sa isang artista," aniya.

Bilang artista ay nagbibigay din siya ng suggestion sa director na nakakatrabaho niya gaya ni Direk Joel Lamangan sa I Will Survive.
Maitim Ang Kilikili
May ilang napuna ang mga nanood na press people sa Check Inn na ang itim ng kilikili ng ilang artista. Nakita nila na maitim ang armpit ni Jack Mendoza lalo na kapag nakikipagromansahan ito kay Kuhdet Honasan. Hindi rin pala magandang tingnan kapag ang kilikili ng isang lalaki ay maitim.
Sinusustentuhan Ng Papa
Maga pa ang labi ni Rose Valencia nang makausap namin sa presscon ng Check Inn kung saan may walong iniksyon siya sa labi nito na talaga namang masakit – anim sa itaas at dalawa sa ibaba nito. Pero ayaw nitong iparetoke ang kanyang boobs at kuntento na siya rito.

Masaya nitong ibinalita na may bago siyang Papa na nakilala niya dalawang buwan na ang nakaraan. "Mabait, guwapo ang aking Papa na nagtatrabaho sa London at manager ng isang company. Buwan-buwan ay pinadadalhan niya ako ng sustento. Gusto nga niya akong sumunod doon at papag-aralin daw niya ako. Twenty-two years old lang siya. Kaya kapag nakaluwag-luwag ako sa aking schedule ay kukuha ako ng computer course dahil in-demand ito sa London. Pero sa ngayon, career muna ang prioridad ko dahil maganda ang aking trabaho bilang artista," aniya.

Sa kabilang banda, maganda ang rehistro sa screen ni Kuhdet Honasan kaya pala ito ang bida sa Check Inn. Mayroon siyang breast exposure at magsasawa ang mga kalalakihan sa mga pakikipagromansa ng sexy star at ng leading men na si Jack Mendoza. Hindi niya malilimutan ang eksena nila sa isang bodega dahil marumi roon at mayroon din sa ibabaw ng bubong ng bahay.

Show comments