^

PSN Showbiz

Ticket sa Piolo concert, mahina ang benta!

-
Sa isang presscon ay napag-usapang hindi raw mabenta ang tickets sa My Gift concert ni Piolo Pascual dahil mas mabenta raw ang Andrea Bocelli maski na mahal ito. Ito rin daw ang dahilan kung bakit naurong ang playdate ng concert nina Randy Santiago na Rewind mula April 16 to May 24.

Comment lang namin ay hindi naman pala mabenta, bakit tinitipid ang press people sa complimentary tickets? Bakit hindi nila ito ipamigay na lang para mapuno ang 17,000 capacity ng Araneta Coliseum? Or, baka ipamigay ito sa fans para kunwari ay bumenta ang naturang concert?

Nakakasama lang ng loob tinext kami ni Ms. Rikka Dylim para sabihing tig-isang ticket lang ang kaya niyang ibigay for the press dahil 40 tickets lang daw ang ibinibigay sa kanya ng Star Records na kailangan niyang hati-hatiin.

Sinagot namin ang mensahe ni Ms. Dylim na "Huwag na lang dahil mukha naman kaming tanga kung mag-isa kaming manonood" at muli siyang nag-text-back na "I can give you 2 tickets, pero sa tig-750 ka" na kung hindi kami nagkakamali ay sa bandang itaas na ito. Sinagot uli namin na huwag na lang. Text niya uli kung manonood daw ba ang editor namin dahil kung hindi, iyon na lang daw ang ibibigay para sa amin, anong klaseng katwiran ‘yun? At nalaman naming tinawagan nga niya ang editor namin at tinanong nga kung manonood ito?

If ever na 40 tickets nga lang ang ibinigay ng Star Records na siyang producer ng concert ni Piolo, e, mas maganda siguro kung ibenta na nila ng palugi para may kumagat, matapos nilang makuha ang pabor na i-promote ng husto ang suntok sa buwang concert na ito ni Piolo ay heto’t pinagdadamutan na ang press people o baka naman may tinititigan at tinitingnan? Reggee Bonoan

ANDREA BOCELLI

ARANETA COLISEUM

KUNG

LANG

MS. DYLIM

MY GIFT

PIOLO

PIOLO PASCUAL

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with