Hindi rin naman daw masasabing nagbigay pahintulot ang book publisher, dahil kung ganoon ay may violation naman yon ng kanilang contract na nagsasabing exclusive ang mga photos nila sa coffee table book, hindi sa mga tabloids. Bagay ang mga kuha para sa isang coffee table book, pero too daring para sa tabloid.
Ang reklamo pa ni Rose, naapektuhan daw ang kanyang pamilya dahil sa lumabas sa tabloid. Isipin mo nga naman iyong nakabuyangyang ang pictures mo sa gitna ng kalye. Kung coffee table book yon, una prohibitive ang presyo kaya hindi mabibili ng kahit na sino, at saka hindi naman mabubulatlat yon ng hindi bibili. Eh yang tabloid, nakalatag na nga naman yan sa kalye kaya ano pa ang itinago mo?
May nagsasabi na baka raw gumagawa lang siya ng gimmick dahil showing na ang pelikula niyang Check Inn, pero ang sabi nga ni Rose, may pelikula man daw siya o wala ay talagang magdidemanda siya.
Tingnan natin kung ano ang kalalabasan ng kasong yan. Isa yang magandang test case sa mga bold na tabloid na ang laging katwiran ay freedom of the press.
Sa totoo lang, pangit kung magbu-bold si Juday. Hindi niya makukumbinsi ang mga manonood dahil nakilala siya sa isang malinis na image. Kahit na nga siguro maghubad siya, ang nakatanim pa rin sa isip ng mga manonood ay ang kanyang image na nagda-drama. Kaya yong mga artistang gaya ni Juday, di puwedeng mag-bold yan. Ganoon din naman, ang isang artistang nagbilad na ng kanyang katawan sa pelikula ay hindi na matatanggap bilang isang wholesome star.
Puwede ang mga bold stars na kontrabida na lang, pero iyong sabihin mong magpapa-clean image, nagpapatawa ka.