Tatlo ang panganay ni Willie

Excited si Willie Revillame nang humarap sa ilang piling press kamakailan para sa promo ng kanyang pinaka-bagong game show sa ABC5 na pinamagatang Puso O Pera.

Anytime this month ay baka magsimula na ang airing nito, kung hindi sa April 20 ay baka sa 27.

Ang Puso O Pera ay isang lingguhang game/reality based/variety show na magpapakawala ng P8M kada linggo. First game show ito na maglalaro sa emosyon ng mga contestants. Dito ay mapipilitan silang pumili between a pot of money or saving their loved ones from impending physical, mental and emotional discomfort.

Para maging contestant, kailangang may kasama ka, pwedeng nanay, tatay, kuya, ate, bunso, tito, tita, kaibigan, asawa, nobyo o nobya.

Magkakaro’n ng tatlong rounds. Sa unang round limang pareha ang maglalaro. Ang unang pareha na makapag-buzz in ng tamang sagot ay mananalo ng corresponding point for the question. Ang top 3 teams na may pinakamataas na punto ay makakasali sa round 2. Yung dalawang team na mawawala ay mag-uuwi ng kanilang pot money. P5 thou ang halaga ng bawat tamang sagot.

Sa round 2, paghihiwalayin ang mga pareha. Ang isa ay sasagot sa tanong habang ang isa naman ay gagawa ng mga challenges. Mauunang maglalaro ang may pinaka-mataas na punto. Bawat team ay kailangang pumili between their relationship o pera. Kapag pera ang pinili, may gagawin siyang challenge. Kapag puso naman, may sasagutin na tanong. May punto na makukuha kahit ano ang piliin.

Ang makakakuha ng pinakamataas na punto ay maglalaro sa round 3.

Sa 3rd round, isang pareha na lamang ang maglalaro o dalawang contestants. Ilalagay sila sa isang parang hagdan on opposite ends. Ang objective ay magkita sila sa gitna sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang katanungan. Bawat tamang sagot garners a step forward. Ang center ng scale ay nagkakahalaga ng P8M na paghahatian ng home partner at studio contestant.

"Lahat ng premyo ay talagang ipamimigay. Ito ang gusto ng show," ani Willie na muli ay binigyang diin na ang kumuha sa kanya para sa nasabing palabas ay ang PCSO bagaman at pagkatapos nito ay kinausap din siya ng mga taga-ABC5.

Masaya si Willie nang mawala siya sa ABS-CBN sapagkat nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ang mga tunay niyang kaibigan. Ilan sa mga ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pera para sa kanyang muling pagsisimula. Gaya nina Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Dolphy at Bong Revilla.

Hindi na niya kinailangang ibenta pa ang kanyang bahay at makakatulong pa sa pagpapaaral ng kanyang mga anak. Bagaman at si Meryll Soriano lamang ang alam nating anak ni Willie, sinabi niyang mayroon pa siyang dalawa. "Lahat sila panganay at puro babae. At hindi sila magkakakilala," aniya pa.
* * *
May mga international label na ang Vicor Music Corp. Ilan sa mga album na iri-release nila na may international label ay ang album ni Fabio, ang Maltese Music Awards Best Singer at ng grupong Lacuna Coil.

Soon to be released din ang albums ni
Sarah Brendel, Ursula 1000. Maria Arredondo, Christian Ingebrigsten at ang dance album na "Cha-Cha Slide".

Samantala, may album na rin na natapos si
Ate Glow sa Vicor din, ang "Ate Glow" na may limited edition lamang ng CD single na naglalaman ng 2 awitin mula kay Ate Glow sa halagang P100. Teaser lamang ito ng lalabas na album na may format na AVCD (audio-video CD) Naglalaman ito ng 6 na awitin na magpapakita ng mga funny anctics ni Ate Glow na ginawang parang isang celebrity talk show with guests like Quizzy, Kikiam Defensor at Jolum/Smijjle from Lord Charings.

Ang iba pang cut sa album niya ay ang "Ate Glow’s Step 1", "Tango Boogie Cha-cha", "Go Go Glow", "Sumayaw, Sumunod", "Bubblegum Dance", "Tatakbo Ako, Tatakbo Ako" at marami pa.

Show comments