Piolo, inaangking anak ng isang taga-Cebu

Isang bus driver sa Cebu ang nagki-claim ngayon na siya raw ang tunay na ama ni Piolo Pascual. Nagpainterbyu ito sa ABS-CBN Cebu para iparating kay Piolo na siya ang ama nito. Pero taliwas ang mga detalye nang nagki-claim na tunay na detalye sa buhay ni Piolo.

Nilinaw naman ni Piolo na kilala niya ang kanyang tunay na ama. Isang Aleman ang tatay ni Piolo. Namayapa na ito.

Pero imbes na pagtawanan, nangako si Piolo na tutulungan ito.

"Siguro kailangan itong mangyari para makita niya ang tunay niyang anak," sabi ni Piolo. "I am willing to help him find his lost son."

Abalang-abala na si Piolo bilang paghahanda sa nalalapit niyang concert. Next week na ang Piolo Pascual: First Time In Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa April 24.

Overwhelmed si Piolo sa suportang nakukuha niya sa nalalapit niyang concert. Marami ang mga kaibigan niya ang nangakong manonood ng concert.

Ang Bantay Bata 163 ang beneficiary ng concert ni Piolo.

Abala rin si Piolo sa taping ng Mangarap Ka, ang sinusubaybayang teleserye niya sa ABS-CBN.
* * *
Impressive ang Magic Circle 10 of 10 ng Star Circle Quest. They were presented to the press recently. May kani-kanyang bet ang press people kung sino ang sisikat. Hindi pwedeng tawaran ang mata ng movie press pagdating sa potensyal.

Outstanding si Hero Angeles, isang Fine Arts student sa University of the Philippines. May distinct appeal talaga si Hero. Marunong ding sumagot sa mga interviews.

Si Joseph Bitangcol, Pinoy na Pinoy ang dating. May hawig siya kay Jericho Rosales. Idol daw niya si Echo. Dahil sa magandang features ni Joseph, posibleng ma-retain ito sa Magic 5.

Cute naman si Raphael Martinez. He is only 13 years old pero matangkad. Lalong tumitingkad ang appeal ni Raphael dahil sa kanyang dimples.

Si Joross Gamboa naman, sex appeal ang agad mong mapapansin. Ang balita ko, sa workshop pa lang, nagpapakita na ng husay si Joross. Happy ang manager niyang si Jun Reyes dahil number 3 ngayon sa ranking sa text poll si Joross.

Si Errol Abalayan ang pinakabata. 13 lang siya. Siya rin ang pinakamaliit. Pero marami na siyang fans. Bibo kasi ito. At higit sa lahat, ang bilis umiyak ni Errol. Walang kahirap-hirap ang direktor na paiyakin siya.

Sa kababaihan, outstanding si Michelle Madrigal. She is 17 yeas old. Idol niya sina Claudine Barretto, Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Si Sandra Park naman ay isang Korean pero dito na sa Pilipinas lumaki at nanirahan. She is trying her best na ma-perfect ang kanyang Tagalog.

Gandang-ganda ako kay Roxanne Guinoo. She is 17 years old. She reminds me of Aurora Salve and Dang Cecilio noong kabataan ng mga ito. Elimination pa lang, napansin ko na ang kakaibang beauty ni Roxanne. Bet ko siya at sana ay mapasama siya sa Magic Circle of 5.

Si Nerizza Presnede Naig naman ang number one sa ranking ng sampu ngayon. Kahit ang mga kasamahan niya ay nagsasabi na si Neri is likely to make it. Second year college student na siya sa University of Baguio.

Si Melissa Marie Ricks naman ay ipinanganak sa Los Angeles, California but her family decided na dito na sa Pilipinas manirahan. Isa rin si Michelle sa promising sa kanilang batch.

Sa mga fans ng Magic Circle of 10, pwede ninyong ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng text. Just type in SCQT<space>NAME OF FINALIST and i-send sa 231 for Globe at Touch Mobile subscribers at 2331 naman sa Smart, Talk ’N Text at Addict Mobile subscribers.

Show comments