Diether at Kristine, holding hands sa sinehan

Hindi natsismis ang pagiging magka-on nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Isang mapagkakatiwalaang source ang nakakita sa dalawa habang nanonood ng The Passion of the Christ sa Powerplant Mall nung Mahal na Araw.  Holding hands pa raw ang dalawa pero, nung makita ng aking source ay agad na nagbitaw ng pagkakahawak nila ng kamay ang dalawa.

Matagal nang usap-usapan ang pagiging sweet ng dalawa na nagsimula nung magtambal sila sa serye ng ABS CBN na Sana’y Wala Nang Wakas pero, ang closeness nila ay ina-attribute lamang sa pagsasama nila sa show. Mawawala rin daw ito once na natapos ang palabas. Sa halip, lalong naging close ang dalawa.

Maging ang inaasam na pagiging close ni Kristine sa kanyang ex na si Jericho Rosales ay hindi nag-materialize. Nung pumunta sila sa isang Southern province para sa promo ng kanilang TV show ay mas napansin ang closeness ni Kristine kay Diether kaysa kay Echo.

Ayaw mag-deny or mag-comment ni Tintin tungkol dito, puro ngiti lamang ang isinusukli niya sa maraming tamong. Pero ang paghahawak nila ng kamay habang nanonood ng sine ay isang indikasyon na kung hindi man sila na, dun na patungo ang kanilang relasyon. – Virgie Balatico

Show comments