May balita na type ngayong ligawan ni Cogie si Angel Locsin. Pero mahal pa rin ng dalaga ang yumaong kasintahan.
Nanghihinayang nga ang aktres dahil sa gustung-gusto pa naman nitong manood ng concert ng kaibigang aktor. Mabuti na lang at buong pamilya ni Piolo ay naroon sa gabi ng pagtatanghal niya kaya di nito mami-miss si Juday!
Kabado rin si Piolo dahil bihira talagang makakapuno ng Araneta pero, naniniwala ito na susuportahan siya ng mga fans at kaibigan.
Ayon dito ay nakakatulong din ang programa para malaman ang tunay na ugali ng mga artistang nabibiktima. Ilan sa talagang mababait ay sina Zsazsa Padilla at Vilma Santos na hindi ko kinakitaan ng pagkainis noong iniinterbyu nang hindi alam na may nakatutok na kamera kung saan kapwa sila biktima.
May iba namang artista na nakikita ang kasupladahan at katarayan.
Malayo na ang narating ng aktor dahil sa maaasahan sa pag-arte at mahal din ang trabaho. Never pa itong naringgan ng mga reklamo mula sa mga kasamahang artista sa set. Kaya bukod sa gandang lalaki, galing umarte ay pinakamahalaga ang mahusay na pakikisama sa lahat.
Nakaka-touch din ang eksenang in-love siya kay Tanya Garcia sa Twin Hearts kung saan iniwan na siya nito para pumunta sa Maynila. May nagtanong tuloy kung hindi kaya ma-develop ang dalawa sa isat isa? Maganda ang twist ng Twin Hearts kung saan in-love naman kay Dennis si Angel Locsin na kababata niya pero, ang tunay na minamahal ng binata ay si Tanya.
Kung sinuman ang manalo sa kanila ay unahin muna nila ang pagmamahal sa bayan lalo na sa mga mahihirap.
Karamihan kasi sa awiting ito ay nagsasabing totoong tao ang kandidatong iniindorso at sinsero sa paglilingkod sa bayan. Sana totoo nga!