^

PSN Showbiz

Cogie hindi pwede kay Nadine dahil kay Oyo Boy kaya si Angel na lang ang nililigawan ?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Malaki talaga ang paghanga ni Cogie Domingo kay Nadine Samonte ng StarStruck Avenger kaso nalaman niya na nililigawan pala ni Oyo Boy Sotto ang baguhang aktres. Magkaibigan ang dalawa simula nang magkasama sa Kuya ng Regal Entertainment. Pero nag-decide ito na huwag na lang ipagpatuloy ang panliligaw dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Oyo Boy.

May balita na type ngayong ligawan ni Cogie si Angel Locsin. Pero mahal pa rin ng dalaga ang yumaong kasintahan.
Juday, Di Makakadalo Sa Concert Ni Piolo
Malapit na kaibigan ni Piolo Pascual si Judy Ann Santos kaya inaasahan niya ang pagdalo nito sa kanyang major solo concert titled My Gift: Piolo Pascual sa April 24 sa Araneta Coliseum. Kaso tinanggap na ni Juday ang pagiging host sa first awards night ng isang grupo ng movie writers na idaraos din sa araw na ito.

Nanghihinayang nga ang aktres dahil sa gustung-gusto pa naman nitong manood ng concert ng kaibigang aktor. Mabuti na lang at buong pamilya ni Piolo ay naroon sa gabi ng pagtatanghal niya kaya di nito mami-miss si Juday!

Kabado rin si Piolo dahil bihira talagang makakapuno ng Araneta pero, naniniwala ito na susuportahan siya ng mga fans at kaibigan.
Lumalabas Ang Tunay Na Ugali Ng Mga Artista
Kakwentuhan ko ang nanay ng isang aktres na taga-Dos at nasabi nito na hindi niya pinalalampas na panoorin ang Victim hosted by Carlos Agassi.

Ayon dito ay nakakatulong din ang programa para malaman ang tunay na ugali ng mga artistang nabibiktima. Ilan sa talagang mababait ay sina Zsazsa Padilla at Vilma Santos na hindi ko kinakitaan ng pagkainis noong iniinterbyu nang hindi alam na may nakatutok na kamera kung saan kapwa sila biktima.

May iba namang artista na nakikita ang kasupladahan at katarayan.
Dennis, Malayo Na Ang Narating
Napanood namin ang Anghel Villa na isang espesyal na Lenten presentation ng GMA 7. Tampok si Dennis Trillo bilang anghel na tumulong sa tatlong magkakapitbahay na pawang may problema sa buhay.

Malayo na ang narating ng aktor dahil sa maaasahan sa pag-arte at mahal din ang trabaho. Never pa itong naringgan ng mga reklamo mula sa mga kasamahang artista sa set. Kaya bukod sa gandang lalaki, galing umarte ay pinakamahalaga ang mahusay na pakikisama sa lahat.

Nakaka-touch din ang eksenang in-love siya kay Tanya Garcia sa Twin Hearts kung saan iniwan na siya nito para pumunta sa Maynila. May nagtanong tuloy kung hindi kaya ma-develop ang dalawa sa isa’t isa? Maganda ang twist ng Twin Hearts kung saan in-love naman kay Dennis si Angel Locsin na kababata niya pero, ang tunay na minamahal ng binata ay si Tanya.
Nakakarindi Ang Mga Campaign Jingle
Araw-araw ay iba’t ibang campaign jingles ang naririnig namin mula alas-sais ng umaga hanggang ala-sais ng gabi. May mga tonong halaw sa Otso-Otso, Mr. Suave, Pito-Pito Pamela at Bulaklak. Mayroong awitin para kay Mayor at Congressmen na naglalaban-laban sa iba’t ibang distrito kaya lang halatang nagtitipid ngayon ang mga kandidato dahil parang tunog lata ang iba’t ibang campaign jingle.

Kung sinuman ang manalo sa kanila ay unahin muna nila ang pagmamahal sa bayan lalo na sa mga mahihirap.

Karamihan kasi sa awiting ito ay nagsasabing totoong tao ang kandidatong iniindorso at sinsero sa paglilingkod sa bayan. Sana totoo nga!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGHEL VILLA

ARANETA COLISEUM

CENTER

JUDAY

PIOLO PASCUAL

TWIN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with