^

PSN Showbiz

Pinoy performers sa ASAP Global Mania sa Cow Palace

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Preggy na naman pala si Ina Raymundo. Bale ika-second baby na ito ni Ina sa kanyang husband na foreigner.Tuluyan na ngang tinalikuran ni Ina ang showbiz. Happy na raw kasi ito sa pagiging misis.
* * *
Bata pa lang pala talaga ang young actress na ‘to, malandi na. Kung sinu-sino na raw ang naging boyfriend. Kahit daw sa may-asawa ay pumapatol as in kahit alam niyang halos kaedad na niya ang anak ng boyfriend niya.

Wala raw itong pakialam. Kaya nga kahit anong deny niya tungkol sa relasyon nila ng isang actor, walang gustong maniwala dahil mismong ang pamilya ng actor ang nag-confirm sa kanilang love affair. Ngayon naman ay isang aspiring actor ang boyfriend ng young actress na ito na lay low ngayon sa showbiz.
* * *
Marami pala talagang mga Filipino sa Amerika ang dumayo pa sa Cow Palace sa San Francisco para panoorin ang ASAP Global Mania. Pero marami ring negative feedback ang mga kababayan natin doon.

Ayon kay Aurora Medina aurora.b. mediana @wellsfargo.com: "Wala talagang natuwa sa ASAP Mania dito sa Cow Palace. Kami nga $50.00 each ang ticket namin from Pittsburg, California pa, as in dumayo pa kami ng Frisco para lang manood no’n. Halatang hindi pinaghandaan.

"Ang laging excuse nila eh di naman daw concert kaya nangyari ‘yon. Pero di naman kami free admission eh bakit ganoon ang performance nila. Saka tama na mga commercials, bukod sa mga monitor na napanood namin eh panay pa mga commercials ng mga sponsors dito. In fairness naman kina Joey Albert at Louie Reyes maganda mga song numbers nila.

"And the rest specially Martin Nievera, nakaka- turn off kaya tama lang na malakas na boooo ang marinig nila from us. Nakakahiya. Next time manonood na lang kami sa TV di pa kami gumasta, nalamigan at napagod mag-drive."

Ayon naman kay Mark ng Texas, USA, "C’mon Anjanette Abayari and G. Toengi, very unprepared and dancing out-of-sync, are "dance goddesses"?!? How could Martin Nievera forget the lyrics of his own song when he only had to sing part of it?" Disappointed din si Mark sa duet nina John Lloyd Cruz and Kaye Abad, Heart Evangelista and John Prats.

Ang iba naman ay nag-travel pa ng six hours from Los Angeles to San Francisco para manood ng nasabing show. Bumili rin daw sila ng $50 na tickets pero wala silang napanood na maayos. Iisa rin ang sinasabi ng mga nakapanood kay Anjanette Abayari na matagal na ring nawala sa showbiz. Nagkalat lang daw si Anjanette dahil hindi nito memorize ang dance steps nila ni Giselle Toengi. "Mukhang bangag pa rin yata from drugs. Sana si Vina Morales na lang ang nagkaro’n ng dance number baka mas nag-enjoy pa kami," sabi naman ni Chris Carlos (chrisecarlos@ yahoo.com).

Ayon naman kay Tricia Perez (tipper @ipipi.com), "Can’t help but comment too on the ASAP show in San Francisco. I was there with my cousins. We paid $50.00 each just to watch Piolo Pascual but a few days before we knew that he won’t make it. Still we went thinking that we were going to have fun. Parking was $15 and the place was kinda disorganized. When the show started, people were made to practice clapping their hands which I think was so stupid considering that we paid to be entertained and not to provide an audience for them.

"From the start, their artists were not prepared. I think Anjanette Abayari’s decision not to be part of showbusiness is a good idea coz’ she can’t perform even a simple dance number. The previous e-mailer was right. We were all left staring at a blank screen, no one on stage, no entertainment and they made us feel like we owe them our presence. In the middle of the show people started booing and Martin Nievera came out to ask why all the boos? He even made a sarcastic remark "do you need free food?" I don’t think anyone sang live. It was horrible. They had the Hunks come out and all these good looking Hunks did was try to undress each other. It was not pretty nor funny."

Sayang at hindi ko napanood ang nasabing episode ng ASAP. Si Lea Salonga lang ang nasulyapan kong nag-perform na kumanta ng bagong theme song ng TFC.

Bukas po ang pahinang ito para sa comment of reaction ng taga-ASAP.
* * *
Kung may negative reaction naman ang mga Pinoy do’n, meron din namang happy sa performance nina Regine Velasquez and Ogie Alcasid na nag- concert sa US.

Sabi ni Ferdie Garcia ng Washington, D.C. (fgferdie @ aol. com): "Gusto ko pong ipaalam sa inyo na last April 4, 2004, napanood po namin ang concert nila Regine Velasquez and Ogie Alcasid. I have to tell you, it was one excellent performance! Napakagaling nilang dalawa. I am sure, everybody had a good time. Halos ayaw matapos ng mga tao ang nasabing concert. Matagal na rin po kami ng pamilya ko rito sa States pero sa lahat ng napanood naming mga concerts dito, dinaig nila Ogie and Regine. Sulit na sulit talaga. And take note, puno ang venue! Most of all, never a dull moment!"
* * *
PERSONAL

Belated birthday greetings to Ms. Sylvia Paloma from her husband Alwayn and her sister Marivic Hernandez.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

ANJANETTE ABAYARI

AYON

CENTER

COW PALACE

MARTIN NIEVERA

NAMAN

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with