Isa pang Fil-Am,gusto sumikat sa pagkanta rito
April 13, 2004 | 12:00am
Hindi na talaga maawat ang pag-angat ng singing career ng world-class balladeer na si Jed Maddela.
Ang kasikatan ng kanyang awiting "Let Me Love You" ay pagpapatunay kung bakit tinanghal siyang second winner ng Voice of Asia International Song Festival.
Kahit kainitan pa ng kanyang awiting "Let Me Love" ngayon sa radio, hetot sumusunod agad sa top 10 hits ang second single nitong "Laging Ikaw."
Kaya naman sa lahat ng sulok ng bansa ay in demand ngayon si Jed. Pero walang reklamo ang singer sa dami ng kanyang trabaho ngayon. Dahil mula pagkabata raw ay matagal na niyang pangarap na makita ang sarili niyang kumakanta at nagpapasaya ng tao. Kahit parang masyadong mabilis ang pag-angat ng career ni Jed ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-discover ng mga bagay na dapat niyang matutunan as a singer.
Kahit marami siyang natatanggap na magagandang comment at review tungkol sa kanyang mga kanta at style nitong umawit, nanatili pa ring humble si Jed.
Samantala sa ganda ng mga nilalaman ng "Jed Maddela Ill Be Around" album, tiyak na masusundan pa ang mga hit songs ni Jed tulad ng "Seven Seas," "Labis Akong Umibig," "Sabihin Mo," "Ill Be Around," "Kung Maibabalik Ko Lang," "Im Here For You," "Take It Easy," at "Paano Ba Maibabalik Ang Kahapon."
Isang mahusay na singer ang Filipino-American na si Emily Rey ang gumagawa ng pangalan sa US. Meron na siyang follower na pawang kasapi ng Filipino-American community sa Southern California. Sa kabila nito ay mas pinili pa niyang umuwi ng Pinas upang magsimula ng bagong career sa bansa.
Tubong Bataan si Emily, dito siya nagtapos ng high school.
Mahilig sumulat ng mga tula si Emily hanggang ma-encourage siya ng kanyang classmate na gawing kanta ang mga ito. Sa dami nang naisulat na kanta ni Emily ay nakabuo siya ng sarili niyang album na "Let Me" na siya rin ang nag-produce.
Maswerteng singer si Emily dahil hindi na niya kailangan pang umasa sa ibang composers para gawan siya ng kanta. Sapagkat talagang magaganda yung mga sarili niyang komposisyon sa kanyang album.
Ang kanyang first single na "Let Me" ay madalas nang marinig sa radio. At ang isa pa nitong kanta na "The Reason" ay ginagamit na rin sa palabas na Click ng GMA 7.
Ang "Let Me" ay naglalaman ng 11 songs na "Once Again," "Bilib Ako," "Wish U Didnt," "Dyahe," "Lies," "Dearest Heart," "Little Sister," "Not Enough," "The Reason" at "Let Me" released ng Synergy Music.
Ang kasikatan ng kanyang awiting "Let Me Love You" ay pagpapatunay kung bakit tinanghal siyang second winner ng Voice of Asia International Song Festival.
Kahit kainitan pa ng kanyang awiting "Let Me Love" ngayon sa radio, hetot sumusunod agad sa top 10 hits ang second single nitong "Laging Ikaw."
Kaya naman sa lahat ng sulok ng bansa ay in demand ngayon si Jed. Pero walang reklamo ang singer sa dami ng kanyang trabaho ngayon. Dahil mula pagkabata raw ay matagal na niyang pangarap na makita ang sarili niyang kumakanta at nagpapasaya ng tao. Kahit parang masyadong mabilis ang pag-angat ng career ni Jed ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-discover ng mga bagay na dapat niyang matutunan as a singer.
Kahit marami siyang natatanggap na magagandang comment at review tungkol sa kanyang mga kanta at style nitong umawit, nanatili pa ring humble si Jed.
Samantala sa ganda ng mga nilalaman ng "Jed Maddela Ill Be Around" album, tiyak na masusundan pa ang mga hit songs ni Jed tulad ng "Seven Seas," "Labis Akong Umibig," "Sabihin Mo," "Ill Be Around," "Kung Maibabalik Ko Lang," "Im Here For You," "Take It Easy," at "Paano Ba Maibabalik Ang Kahapon."
Tubong Bataan si Emily, dito siya nagtapos ng high school.
Mahilig sumulat ng mga tula si Emily hanggang ma-encourage siya ng kanyang classmate na gawing kanta ang mga ito. Sa dami nang naisulat na kanta ni Emily ay nakabuo siya ng sarili niyang album na "Let Me" na siya rin ang nag-produce.
Maswerteng singer si Emily dahil hindi na niya kailangan pang umasa sa ibang composers para gawan siya ng kanta. Sapagkat talagang magaganda yung mga sarili niyang komposisyon sa kanyang album.
Ang kanyang first single na "Let Me" ay madalas nang marinig sa radio. At ang isa pa nitong kanta na "The Reason" ay ginagamit na rin sa palabas na Click ng GMA 7.
Ang "Let Me" ay naglalaman ng 11 songs na "Once Again," "Bilib Ako," "Wish U Didnt," "Dyahe," "Lies," "Dearest Heart," "Little Sister," "Not Enough," "The Reason" at "Let Me" released ng Synergy Music.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended