Anak ni Piolo ang special guest sa kanyang major concert

Two weeks na lamang ang ipaghihintay ni Piolo Pascual para sa kanyang first major concert sa Araneta Coliseum on April 24, 8:00 p.m., entitled My Gift: Piolo Pascual First Time In Concert pero lalo raw siyang ninenerbyos. Hanggang ngayon parang hindi pa raw niya maisip na magkakaroon siya ng solo concert.

Walang lovelife, kaya walang special someone na pwede niyang pag-alayan ng kanyang concert. Ang wish lamang ni Piolo, makauwi ang kanyang Mommy Amelia.

Sure na raw ang dalawa niyang sisters sa States na uuwi, pero ang Mommy niya ay hindi pa sure dahil kauuwi nga lamang nito noong bago nag-showing ang Milan nila ni Claudine Barretto, at baka hindi na payagan sa hospital na pinagta-trabahuhan nito. But for sure, nandoon ang anak niyang si Christian Iñigo at baka for the first time, ipakilala na ni Piolo sa audience, since hindi naman niya ikinakaila ang tungkol sa seven-year-old son niya.
* * *
Sobrang busy ni Pops Fernandez nowadays, pero believe kami sa kanya dahil kaya niyang tuparin ang mga commitments niya.  Dalawa ang kanyang TV shows, ang daily teledrama niyang Twin Hearts at ang musical sitcom na All Together Now at four times ang taping. 

Napapasyalan pa niya ang dalawa niyang Pipay’s stores, sa 5th level ng Shangri-la Mall at sa 2nd level ng Greenlanes Beauty Central Arcade in Greenhills, na dinadayo ngayon dahil sa magaganda niyang summer collections, at kaya pa rin niyang mag-guest sa mga ibang shows.

Sa April 16, si Pops ang special guest ni Randy Santiago and Friends sa Rewind "Doble Revo, Doble Premyo" sa Araneta Coliseum at 8:00 p.m. Ang mga friends ni Randy na kasama ay sina Louie Heredia, Raymond Lauchengco (na ipi-nusponed muna ang honeymoon nila ng wife nila, they were married March 25, para sa kaibigan), Gino Padilla, Juan Miguel Salvador, Jet Pangan, featuring Nina and Arnee Hidalgo. Produced by Entertainment Plus, ang concert ay ididirek ni Edgar Mortiz. To join the raffle, tumawag lamang sa 911-5555, 683-0866, 687-5658.

At sa April 24, sila naman ni Richard Gomez ang mga hosts sa 1st Annual Golden Screen Awards na gaganapin sa Meralco Theater.
* * *
Sikat na talaga si Erik Santos, dahil hindi na iilan ang nagkukwento sa amin kung gaano kalakas ang reception ng mga fans sa  Star In A Million champion saan man ito mag-guest na show or concert. Si Erik na raw ba ang sumunod sa mga yapak ni Sarah Geronimo, na bigla ring sumikat pagkatapos na nanalo sa Star for a Night in March, 2003? Tulad ni Sarah, sunud-sunod din ang mga shows ni Erik, halos wala ngang pahinga, pagkatapos niyang manalo.

Sa April 16, may back-to-back concert siya with Kyla sa St. Mary’s College in Bulacan. Sa April 17, guest siya ni Sarah sa concert nito sa Expo Filipino sa Clarkfield, Pampanga. Sa May 22, muli silang magkasama ni Sarah sa isang back-to-back concert sa AFP Theater, at sa May 29, nasa Mabini, Batangas naman siya.
* * *
Kari-released pa lamang ng special video ng Viva Hot Men, ang Viva Hot Men-The Video, pero selling like hotcakes na ito.  The video features eight of the eleven Viva Hot Men, sina Alken Miranda, Dave Anquilo, Jayson Colis, Justin de Leon, McMiel Denisson, Migue Garcia, Paolo Serrano with the three other Viva Hot Men, Adrian Zabala, Jerome Ocampo and Antonio Ramirez, magkakaroon sila ng mall shows and TV guestings to promote their video.

Show comments