Sinusubaybayan ang istorya nina Maxene at Jake sa HK dahil complicated ito. Lumalabas na silay mag-pinsang buo at ipinagbabawal ang ganoong relasyon sa kulturang Pilipino. But of course, magkakatuluyan din sila in the end dahil hindi naman talaga sila mag-pinsan. Alam na namin ang itatakbo ng istorya pero, hindi namin isusulat at ayaw naming ma-preempt ang sumusubaybay nito.
Incidentally, ikinuwento ng manager ni Jake na si Neil de Guia na nahihirapan ang young actor sa role niya sa ipinagmamalaking seryereal nina Direktor Joey at Mark Reyes. Bukod sa pagmememorya sa kanyang script, kailangan din nitong mag-aral ng sign language dahil yun ang paraan nang pakikipag-usap niya kay Nancy Castiglione na gumaganap na kanyang kapatid.
Sa June, itutuloy naman ni Gary ang kanyang US tour. Nakakatuwang malaman sa kanyang June 11 concert sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California ay guest niya si Brian McKnight. Hindi ba nakakatuwang for a change ay American singer naman ang maggi-guest sa concert ng Filipino singer?
Sa April 15, kasama ang mga artista ng GMA 7, a-attend siya sa workshop na ibibigay ng GMA Artist Center para sa kanilang mga talent. Nag-decide na rin ang young actor na ipagpatuloy ang pag-aaral sa UP. Maluwag ang schedule ni Railey dahiil Twin Hearts na lang ang kanyang regular show at kung saan, ka-loveteam niya uli si Angel Locsin. Hinahanap ng fans ang tambalan ng dalawat inalis na sila sa Click.
Mag-e-enrol this semester sa UP si Railey sa pakiusap na rin ng ama na tapusin ang kanyang pag-aaral para may fall back siya pag hindi na in sa showbiz. Ayaw ng parents ni Railey na napag-iiwanan siya ng mga kapatid pagdating sa pag-aaral.
Nangingilabot ang mga nakakabasa sa text message ng actress sa kanyang manager. Hindi nila akalaing capable itong gumamit ng masasamang salita. Mabait pa rin ang manager dahil ayaw iparating sa press ang ginagawa sa kanya ng kanyang talent para hindi masira ang image nito. Ang mga kaibigan nito ang nagagalit dahil pinababayaang awayin at murahin siya ng kanyang artista.
Tingnan natin kung hanggang kailan makakapagpigil ang manager sa pang-aaway sa kanya ng actress.
Ang mga nominees para sa Abanse! Pinay party list ay sina Remy Ignacio-Rikken, former Executive Director of the National Commission on the Role of Filipino Women; Atty. Alice Canonoy-Morada, human rights lawyer; Yasmin Busran-Lao, Muslim advocate for peace and development in Mindanao; LaRainne Abad-Sarmiento, former Barangay Captain and expert on local governance; and Karla Pulido-Constantino, Executive Director of Kalakasan, an NGO working on violence against women and womens health issues.
For more information on Abanse! Pinay, call 852-7134.