Bagaman at hindi naman naapektuhan ang rating ng show ng pagkawala ni Bong, still marami ang nakaka-miss sa kanya sa show, lalo na kaming matagal niyang nakasama rito.
Baka siguro kapag hindi maganda para sa kanya ang naging resulta ng eleksyon, although malabong mangyari ito dahil sa lahat ng surveys na lumabas ay palaging nangunguna ang kanyang pangalan.
Alam kong sinabi niya na babalik siya sa show kahit manalo siya pero, I doubt it dahil masyado nang marami ang magiging trabaho niya sa Senado kung kaya baka rin, hindi na niya matupad ang pangako niya. Siguro, baka mag-guest na lamang siya paminsan-minsan.
Ayaw ko ring magsalita ng patapos. After all, si Bong lamang ang makasasagot ng katanungan kung babalik pa siya sa show o hindi na.
Natatandaan ko nun na pagandahan lamang ng plataporma ang pinagbubuhusan ng panahon ng mga kandidato at hindi yung manalo lang ay kahit makasakit na ng loob ng kapwa, para tuloy hindi na sila Kristiyano. Ito ang pagbabagong hindi maganda, di ba?
May repeat na naman si Gary ng kanyang Gary V Hits Concert sa Music Museum sa April 13-14 at 26-27. He will be having the same guests tulad ng kanyang anak na si Gabriel Valenciano. Pero susubukan pa nila, baka makasama rin si Paolo na kung inyong natatandaan ay nagkasakit ng grabe pero ngayon ay magaling na magaling na.
Sana nga mag-hit ito, di lamang para sa Viva na matagal na ring walang hit kundi para rin kina Rufa Mae at Rudy Hatfield na kasosyo sa pelikula.