^

PSN Showbiz

Marissa, binabantayan ng boyfriend sa pagkain

-
Sa Asturias Hotel, Puerto Princesa, Palawan namin nakakwentuhan ng matagal ang sikat na singer na si Marissa Sanchez. Masaya siyang kausap. Totoong tao, walang kyeme o kaplastikan sa pakikipag-usap.

Napansin naming very sweet sila ng kasama niyang lalaki. Ipinakilala ni Marissa si Ian, ang kanyang boyfriend sa matagal na rin namang panahon. Magbuhat daw noong magka-kilala sila sa Austria nang mag-concert siya, hindi na raw sila nagkahiwalay.

"Ganoon daw pala ang pag-ibig, kahit malayo ang lugar, walang problema sa kanila. Pogi si Ian at pwede ring artista pero ayaw ni Marissa dahil baka raw may makaagaw pa kay Ian.

Binabantayan siya ng bf maging sa pagkain. Diabetic pala si Marissa, bawal ang sweets. Bisita si Marissa ni Mayor Edward S. Hagedorn para sa ika-32 anibersaryo ng Puerto Princesa Palawan.

Magaling magpatawa si Marissa lalo sa stage. Nagagawa rin niyang gayahin ang iba’t ibang pamosong mang-aawit ng bansa. Malimit siyang mag-guest sa TV at pelikula. Minsan nga napanood namin siyang gumanap na nanay. Ang napansin lang namin, mukha pa siyang bata sa gumanap na anak.Vir Gonzales

BINABANTAYAN

BISITA

IAN

MARISSA

MARISSA SANCHEZ

MAYOR EDWARD S

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA PALAWAN

SA ASTURIAS HOTEL

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with