Asawa ng pulitiko, hindi nagbayad sa make-up!
April 3, 2004 | 12:00am
May bad experience ang dalawang gay make up artist sa isang asawa ng pulitiko na ngayon ay naga-ambisyon ding magka-posisyon sa gobyerno.
Kwento ng bading na make-up artist, tumawag daw ang assistant ng nasabing misis ng pulitiko sa kanilang parlor para nga magpa-service dahil may show daw ito.
Pero natapos at natapos ang show, wala raw ibinigay na bayad ang asawa ng pulitiko. Binigyan lang daw sila ng P500 na pamasahe.
Nang sinisingil na raw nila, ang sabi raw "di ba ex-deal ito."
"Paano namang magiging ex-deal samantalang wala namang agreement na ganoon?" sagot naman agad ng make-up artist. "Saka pag may ex-deal may contract na pinirmahan, sa case namin wala," dagdag ng make-up artist.
Pag pina-follow-up daw ang bayad, lagi raw nitong sinasabi na ipadadala na lang. Pero umabot na raw ng isang taon, nag-babu na ang show, ni singkong duling wala silang natanggap.
Bongga ang kampanya ng misis na ito ng pulitiko, yun naman pala may utang sa make-up artist.
Si Lorna Tolentino pala ang ang bagong endorser ng Forever Flawless. Actually, tried and tested na raw ni LT ang paggamit ng mga gamot sa Forever Flawless kaya nang i-offer sa kanya ang nasabing endorsement, hindi na raw nag-second thought ang actress.
Bukod kay LT, endorser na rin ng Flawless Forever ang dalawa sa pinakasikat na bagets ngayon, sina Mark Herras and Yasmien Kurdi. Target kasi ng Forever Flawless ang mga bagets particular na ang mga high school students. "Affordable kasi sa kanila kaya don kami nagpapa-facial. Puwede naming ipunin ang mga sobra naming allowance para pang-maintain ng face namin," sabi ng isang regular costumer ng Forever Flawless.
At ngayong kasama na sina Mark at Yasmien sa official endorsers, Im sure mas lalong maraming bagets na maa-attract na magpakinis din ng mukha.
"Nagpapasalamat nga po kami kasi kami yung napili nila. At least may regular nang magmi-maintain sa amin," sabi ni Mark sa previous interview.
Actually, kailangan nila yun dahil sa rami ng trabaho nila, minsan nalilimutan na nilang magpa-facial or magpa-body scrub. "Kahit sobrang hectic ng schedule at pressure sa trabaho namin, dapat ma-maintain namin ang flawless skin," sabi naman ni Yasmien.
Kasi nga naman, sa trabaho nila kailangan parati silang maganda.
Kaya kung makita man ninyong mas flawless na ang skin nina Mark at Yasmien, resulta yun ng kanilang treatment sa Flawless Forever na may branches sa Megamall and SM North Edsa.
Grabe ang bilis talagang sumikat nina Mark and Yasmien. Bukod sa kaliwat kanang show, dagsa rin ang commercial offers nila. Kaya naman namimili sila ng ii-endorse at isa sa mga napili nila ay Bizaare and Flawless Forever.
May sarili na palang radio program ang action star na si Robin Padilla. You read it right! Entitled, Liwanag Ng Katotohanan na maririnig sa Armed Forces Radio Mindanao.
Akala kasi nating lahat, sa TV na lang naka-concentrate ngayon si Robin, sa Bastat Kasama Kita with Judy Ann Santos. Yun naman pala, meron siyang radio show.
Sa nasabing radio show niya official na inindorse si senatoriable Amina Rasul, anak ni dating senador Santanina Rasul.
Maraming nakarinig sa nasabing endorsement ni Robin.
Actually, hindi naman kasi ito nakakapagtaka dahil common knowledge naman na Muslim din si Robin, kilala siya ng mga kapwa niya Muslim as Abdhul Azzis. "Nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil very open siya sa pagsasabing tutulungan niya ako," she said sa isang chance interview.
Nasa party ni FPJ si Amina. Si Boots Anson Roa usually ang ka-bonding niya sa grupo. Magkasama kasi sila sa helicopter everytime na magkakaroon sila ng sortie sa probinsiya.
Sandali lang namin nakausap si Ms. Rasul pero impressive siyang kausap at alam lahat ng issues.
Nalaman din namin na Susan Roces fan pala siya ever since mahilig na siyang manood ng pelikula ng actress na ngayon ay nakakasama na niya sa mga sorties.
Na-mention din ni Ms. Rasul na wala silang alam ni Boots Anson Roa sa pagpapatanggal ng controversial billboard ng Kinse Anyos?
Alam niyang wala siyang karapatang ipatanggal yun dahil private property yun.
Meron kasing ilan na nagdawit ng pangalan nila ni Ms. Roa.
Marami rin siyang nakakatawang kwento sa kampanya: like tinatawag daw siyang Jamby. Minsan naman, sinabi sa kanyang pamangkin ni former Pres. Fidel Ramos (Shahani). Minsan naman pangalan ng mama niya ang binabanggit.
Natatawa na lang siya dahil baka iba nga ang isulat sa balota.
Aside from Robin Padilla, itinaas din ang kamay niya ni presidentiable Eddie Villanueva kahit na nga nasa party siya ni FPJ.
Ten years na pala ang ABS-CBN The Filipino Channel (ABS-CBN TFC). Kaya naman bilang pasasalamat sa mga Pilipino sa buong mundo, ipagdiriwang ng ABS-CBN The Filipino Channel (ABS-CBN TFC) ang ika-sampung taong anibersaryo bukas, April 4 sa pamamagitan ng isang television party sa ASAPMania. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipalalabas sa programa ang isang ispesyal sa kasaysayan ng telebisyon - ASAP Global Mania na magtatanghal ng hindi lang isa, kundi dalawang palabas na mapapanood sa buong mundo or kung saan may TFC.
Mula sa Cow Palace sa San Francisco, pinangungunahan ng Concert King at pinaka-popular na TFC endorser na si Martin Nievera ang mahabang listahan ng mga naglalakihang artistang makikipagsaya sa mga Pilipino sa Amerika kasama ang heartthrobs na sina Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi at Bernard Palanca; teen stars na sina Heart Evangelista, John Pratts, Camille Pratts, John Lloyd Cruz at Kaye Abad; first-rate performers na sina G Toengi, Mickey Ferriols, Louie Reyes at Joey Albert at marami pang ibang sorpresa. Mula sa Studio 10 ng ABS-CBN Channel 2, ilan din sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbusiness ang magho-host ng Manila television party - ang Asian divas na sina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma; matinee idol Piolo Pascual; teen icon Bea Alonzo; singing discoveries na sina Sarah Geronimo, Sheryn Regis, Erik Santos, Mark Bautista, Nina, King, Bituin Escalante, Anna Fegi at Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Bilang highlight ng selebrasyon, ilo-launch ng TFC ang bago nitong logo, on-air look, television features at station ID na kakantahin ng world-class performer na si Lea Salonga na ni-revive and ni-relyrics ang "Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika" ni Elzar Dodjie Simon.
Kinunan ang station ID sa mga lugar na may TFC including US kung saan naka-base si Lea.
Kwento ng bading na make-up artist, tumawag daw ang assistant ng nasabing misis ng pulitiko sa kanilang parlor para nga magpa-service dahil may show daw ito.
Pero natapos at natapos ang show, wala raw ibinigay na bayad ang asawa ng pulitiko. Binigyan lang daw sila ng P500 na pamasahe.
Nang sinisingil na raw nila, ang sabi raw "di ba ex-deal ito."
"Paano namang magiging ex-deal samantalang wala namang agreement na ganoon?" sagot naman agad ng make-up artist. "Saka pag may ex-deal may contract na pinirmahan, sa case namin wala," dagdag ng make-up artist.
Pag pina-follow-up daw ang bayad, lagi raw nitong sinasabi na ipadadala na lang. Pero umabot na raw ng isang taon, nag-babu na ang show, ni singkong duling wala silang natanggap.
Bongga ang kampanya ng misis na ito ng pulitiko, yun naman pala may utang sa make-up artist.
Bukod kay LT, endorser na rin ng Flawless Forever ang dalawa sa pinakasikat na bagets ngayon, sina Mark Herras and Yasmien Kurdi. Target kasi ng Forever Flawless ang mga bagets particular na ang mga high school students. "Affordable kasi sa kanila kaya don kami nagpapa-facial. Puwede naming ipunin ang mga sobra naming allowance para pang-maintain ng face namin," sabi ng isang regular costumer ng Forever Flawless.
At ngayong kasama na sina Mark at Yasmien sa official endorsers, Im sure mas lalong maraming bagets na maa-attract na magpakinis din ng mukha.
"Nagpapasalamat nga po kami kasi kami yung napili nila. At least may regular nang magmi-maintain sa amin," sabi ni Mark sa previous interview.
Actually, kailangan nila yun dahil sa rami ng trabaho nila, minsan nalilimutan na nilang magpa-facial or magpa-body scrub. "Kahit sobrang hectic ng schedule at pressure sa trabaho namin, dapat ma-maintain namin ang flawless skin," sabi naman ni Yasmien.
Kasi nga naman, sa trabaho nila kailangan parati silang maganda.
Kaya kung makita man ninyong mas flawless na ang skin nina Mark at Yasmien, resulta yun ng kanilang treatment sa Flawless Forever na may branches sa Megamall and SM North Edsa.
Grabe ang bilis talagang sumikat nina Mark and Yasmien. Bukod sa kaliwat kanang show, dagsa rin ang commercial offers nila. Kaya naman namimili sila ng ii-endorse at isa sa mga napili nila ay Bizaare and Flawless Forever.
Akala kasi nating lahat, sa TV na lang naka-concentrate ngayon si Robin, sa Bastat Kasama Kita with Judy Ann Santos. Yun naman pala, meron siyang radio show.
Sa nasabing radio show niya official na inindorse si senatoriable Amina Rasul, anak ni dating senador Santanina Rasul.
Maraming nakarinig sa nasabing endorsement ni Robin.
Actually, hindi naman kasi ito nakakapagtaka dahil common knowledge naman na Muslim din si Robin, kilala siya ng mga kapwa niya Muslim as Abdhul Azzis. "Nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil very open siya sa pagsasabing tutulungan niya ako," she said sa isang chance interview.
Nasa party ni FPJ si Amina. Si Boots Anson Roa usually ang ka-bonding niya sa grupo. Magkasama kasi sila sa helicopter everytime na magkakaroon sila ng sortie sa probinsiya.
Sandali lang namin nakausap si Ms. Rasul pero impressive siyang kausap at alam lahat ng issues.
Nalaman din namin na Susan Roces fan pala siya ever since mahilig na siyang manood ng pelikula ng actress na ngayon ay nakakasama na niya sa mga sorties.
Na-mention din ni Ms. Rasul na wala silang alam ni Boots Anson Roa sa pagpapatanggal ng controversial billboard ng Kinse Anyos?
Alam niyang wala siyang karapatang ipatanggal yun dahil private property yun.
Meron kasing ilan na nagdawit ng pangalan nila ni Ms. Roa.
Marami rin siyang nakakatawang kwento sa kampanya: like tinatawag daw siyang Jamby. Minsan naman, sinabi sa kanyang pamangkin ni former Pres. Fidel Ramos (Shahani). Minsan naman pangalan ng mama niya ang binabanggit.
Natatawa na lang siya dahil baka iba nga ang isulat sa balota.
Aside from Robin Padilla, itinaas din ang kamay niya ni presidentiable Eddie Villanueva kahit na nga nasa party siya ni FPJ.
Mula sa Cow Palace sa San Francisco, pinangungunahan ng Concert King at pinaka-popular na TFC endorser na si Martin Nievera ang mahabang listahan ng mga naglalakihang artistang makikipagsaya sa mga Pilipino sa Amerika kasama ang heartthrobs na sina Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi at Bernard Palanca; teen stars na sina Heart Evangelista, John Pratts, Camille Pratts, John Lloyd Cruz at Kaye Abad; first-rate performers na sina G Toengi, Mickey Ferriols, Louie Reyes at Joey Albert at marami pang ibang sorpresa. Mula sa Studio 10 ng ABS-CBN Channel 2, ilan din sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbusiness ang magho-host ng Manila television party - ang Asian divas na sina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma; matinee idol Piolo Pascual; teen icon Bea Alonzo; singing discoveries na sina Sarah Geronimo, Sheryn Regis, Erik Santos, Mark Bautista, Nina, King, Bituin Escalante, Anna Fegi at Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Bilang highlight ng selebrasyon, ilo-launch ng TFC ang bago nitong logo, on-air look, television features at station ID na kakantahin ng world-class performer na si Lea Salonga na ni-revive and ni-relyrics ang "Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika" ni Elzar Dodjie Simon.
Kinunan ang station ID sa mga lugar na may TFC including US kung saan naka-base si Lea.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended