Nagpapahalik sa boobs para magkaroon ng tip

May nakapagkwento sa akin tungkol sa isang sikat at magandang sexy star na nag-show sa Japan. Magaling siyang kumanta kaya kinagigiliwan doon. Kaya lang, para mabigyan ito ng malaking tip at kumita nang malaki ay nagpapahalik siya sa kanyang boobs.

Syempre kanya-kanya lang naman ng diskarte ang mga sexy stars lalo na kung paano makakakuha ng malalaking tip.

Kaya naman kapag nagso-show ito ay talagang dinudumog dahil sa kakaibang gimik.

Nagbida na ang aktres at hanggang ngayon ay in-demand pa rin sa telebisyon.
Isa Lang Ang Gustong Anak!
Isa si Aya Medel sa mga artistang naging malapit sa amin kaya naman natuwa ako nang muli ko siyang makita at malaman na sinwerte sa kanyang pag-aasawa kay Yoji Hayakawa.

Ipinagmamalaki nito ang kanyang nine-month old baby na si Shaina Ishi na napakalaking sanggol. "Nahihirapan nga ako kapag nagbi-breast feed ako. Sa laki ng boobs ko ay halos malunod nga ito kaya nilalagyan ko pa ng unan at kailangan ko pang hawakang paitaas ang aking dibdib habang siya’y dumedede," aniya.

Gusto ng aktres na isa lang ang maging anak at tama na sa kanya si Shaina dahil nagbiro ito na mahirap ding manganak kahit by caesarian.

"Mas gusto ko ring maiukol ang panahon ko sa kanya ang atensyon at pagmamahal. Dual citizenship nga pala ang aking baby," dagdag pa nito.
Okay Kahit Wala Si Gladys
Okay pa rin ang K and The Boxers kahit wala na si Gladys Guevarra. Patuloy ang kanilang special shows.

Makikita sila regularly sa Soundstage Cainta every Tuesday, Klownz Araneta Center every Wednesday, Ratsky Malate every Thursday, Ratsky Morato every Friday at Klownz Araneta every Saturday.

Female lead K Brosas is also regularly seen in Idol Ko Si Kap and Kakabakaba Adventures every Saturday over GMA 7, ang Ispup every Sunday over ABC 5.

Labas na ang first album nila (as Gladys and The Boxers with K) under Viva Records na carrier single na "Sasakyan Kita" (composed by novelty king Lito Camo).

K and the Boxers
is being managed by Backroom, Inc. For bookings, you may call 435-1108, 435-1120, 435-3808, 435-1098 or fax at 928-0717. You can also e-mail them at backroom@ nsclub. net.
Lovely Day
Sawang-sawa ka na ba sa mga balitang naririnig mo araw-araw? O kaya naman ay pagod ka sa walang pahingang pagta-trababo mula Lunes hanggang Biyernes?

Di bale na, gagawing maganda ni Love Añover ang inyong Sabado sa pamamagitan ng pinaka-bago niyang programa sa GMA Network, ang Lovely Day.

Sa programang ito, tiyak na gaganda ang weekend n’yo dahil puro magagandang balita lamang ang ihahatid sa inyo ni Love. Tampok ang kwento ng mga ordinaryong tao na pagkukunan n’yo ng inspirasyon. Gaya ng mga success stories na patunay na kahit sino ay pwedeng magtagumpay at umasenso sa buhay.

Makakasama nyo rin si Christian ng StarStruck na magpapakita ng mga magagandang tanawin sa bansa na kaya nyong puntahan.

Magsisimula na ang Lovely Day sa Abril 3, Sabado, 10 NU, pagkatapos ang Art Angel sa GMA.

Show comments