May mga nagtanong sa akin kung bakit ang dalawa ang napili ko, including the entertainment editor of this paper pero, sinabi ko na talagang maraming na-achieve ang dalawa for the past year at talagang deserving sila ng kanilang award.
I believe naman na lahat ng binigyan ko ng parangal ay nag-deliver at ngayon ay itinuturing na magagandang ehemplo ng kabataan.
Parang naapektuhan lahat dahilan sa naging kaganapan kay Dolphy sa ABS CBN. True or not, nag-create ito ng di magandang atmosphere.
Balita ko, mag-a-Amerika muna si Marvin. Baka magpapalipas muna ng sama ng loob dahil sa resulta ng pagkawala ng show niya.
Pero, ganito naman sa showbiz. Ako nga , sabay-sabay na nawala ang mga shows ko, lima lahat, ang Thats Entertainment, GMA Supershow, Saturday Entertainment at Nego-Siyete. Tumigil din ang pagpu-produce ko ng Telesine pero, hindi ako nawalan ng lakas ng loob. Hindi ako nagpatalo sa mga pangyayari, di ako bumigay.
When I started Master Showman Presents, marami ang nagsabi na losing proposition ito dahil masama ang oras, wala na raw nanonood ng ganitong time. Pero, sa pamamagitan ng show, I believe na-extend ang primetime viewing, nagkaroon pa ng mga shows sa ganitong oras sa ibang istasyon. Again, naging maswerte ako. Paano kung nagpatalo ako, di sana wala na ako sa TV ngayon.
Parang Thats talaga na kung saan araw-araw ay may iba ibang grupo at nagsasama-sama silang lahat tuwing Sabado. Friday naman ang live show ng StarStruck.
Sana lang ay mamintina ang kasikatan ng grupo at mas tumaas pa ang popularidad nila ng mahabang panahon.