Sa isang pakikipag-usap sa kanilang manager na si Lito de Guzman, sinabi nito na itinayo niya ang grupo para maiba naman ang image niya. "Masyado na akong established sa mga bold stars, kaya gusto ko namang baguhin ang image ko. Pero, may mga alaga pa rin akong bold stars. Gusto ko lang talagang mag-iba-iba ng image," sabi niya.
Magkakaroon ng kanilang first major concert ang The Milk Men sa April 24 sa DPoint Italian Bar and Restaurant sa Examiner St., West Triangle, QC. Makakasama nila ang mga beteranong magpatawa na sina Ate Guy, Chocolait at Freddie Bernal na siya ring magdi-direct ng show. Ipinangako nito na mapupuno ng kapilyuhan ang concert. In one scene,makikita ang apat cavorting with the audience na naka-t-back lamang.
All four have undergone voice training sa Center for Pop Music Philippines.
Sa libo-libong party lists na tumatakbo ngayong eleksyon, iisa lamang sa mga ito ang talagang makakatulong sa ating problema, ang S.M.I.L.E. o Samahan ng mga Mangangalakal para sa Ikauunlad ng Lokal na Ekonomiya. Ito lamang ang tunay na kabalikat sa pag-asenso ng napakaraming negosyo dito sa atin, malaki man o maliit. Gagawa ito ng mga batas para sa mga problema ng ating ekonomiya, ng mga negosyante, peace and order, bureaucratic red tapes, high rural to urban migration, inaccesssibility to credit at marami pang iba.
I thought it was out of character na magsalita siya ng ganun lalot isang pangulo ng bansa ang pinatatamaan niya. At kahit na sinabi pa niya na hindi si PGMA ang pinatutungkulan niya ng biro, it was very clear na ito lamang ang taga-Malacañang who could have been hurt. Hindi naman magri-react ang tao kung tumama ang biro niya sa mga gabinete nito pero, dahil si Gloria ang tinamaan kaya siya naman ang nag-sorry.
PGMA was busy with her work para magbigay naman ng kanyang reaksyon.