^

PSN Showbiz

The Milk Men.sexy boy band

- Veronica R. Samio -
Okay din naman yung naisip na gimik ni Lito de Guzman na pangalanan ang kanyang bagong grupo na The Milk Men. Agaw pansin nga naman ang grupo na binubuo ng apat na nagugwapuhang lalaki na ang pangalan ay talagang ginawang karapat-dapat sa kanilang pangalan. Sila sina Alpine Anido, Liberty Laurel, Milo Muñoz at Anchor Aquino. Lahat sila ay in their early 20s at tumigil na ng pag-aaral, claiming financial problems kaya nga sila nag-join sa grupo. Nakaabot naman sila ng unang taon sa kolehiyo.

Sa isang pakikipag-usap sa kanilang manager na si Lito de Guzman, sinabi nito na itinayo niya ang grupo para maiba naman ang image niya. "Masyado na akong established sa mga bold stars, kaya gusto ko namang baguhin ang image ko. Pero, may mga alaga pa rin akong bold stars. Gusto ko lang talagang mag-iba-iba ng image," sabi niya.

Magkakaroon ng kanilang first major concert ang The Milk Men sa April 24 sa D’Point Italian Bar and Restaurant sa Examiner St., West Triangle, QC. Makakasama nila ang mga beteranong magpatawa na sina Ate Guy, Chocolait at Freddie Bernal na siya ring magdi-direct ng show. Ipinangako nito na mapupuno ng kapilyuhan ang concert. In one scene,makikita ang apat cavorting with the audience na naka-t-back lamang.

All four have undergone voice training sa Center for Pop Music Philippines.
* * *
Palagi na lamang ipinagsisintir ng ating kababayan ang pangyayaring ang problema natin ay palaging sumesentro sa kakapusan natin ng pera dahil napakataas ng bilihin.

Sa libo-libong party lists na tumatakbo ngayong eleksyon, iisa lamang sa mga ito ang talagang makakatulong sa ating problema, ang S.M.I.L.E. o Samahan ng mga Mangangalakal para sa Ikauunlad ng Lokal na Ekonomiya. Ito lamang ang tunay na kabalikat sa pag-asenso ng napakaraming negosyo dito sa atin, malaki man o maliit. Gagawa ito ng mga batas para sa mga problema ng ating ekonomiya, ng mga negosyante, peace and order, bureaucratic red tapes, high rural to urban migration, inaccesssibility to credit at marami pang iba.
* * *
Bilib naman talaga ako sa pagka-gentleman ni Dolphy. Humingi ito ng paumanhin sa pagbibiro na ginawa niya kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang rally na sinamahan niya sa Cebu para kay FPJ.

I thought it was out of character na magsalita siya ng ganun lalo’t isang pangulo ng bansa ang pinatatamaan niya. At kahit na sinabi pa niya na hindi si PGMA ang pinatutungkulan niya ng biro, it was very clear na ito lamang ang taga-Malacañang who could have been hurt. Hindi naman magri-react ang tao kung tumama ang biro niya sa mga gabinete nito pero, dahil si Gloria ang tinamaan kaya siya naman ang nag-sorry.

PGMA was busy with her work para magbigay naman ng kanyang reaksyon.

ALPINE ANIDO

ANCHOR AQUINO

ATE GUY

EXAMINER ST.

FREDDIE BERNAL

MILK MEN

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with