Para kay Danilo, hindi niya binibigyan ng halaga kung mamatay siya sa pelikula, ang importante sa kanya ay kung ano ang nagagawa ng kanyang pagkamatay, nakatulong ba ito sa istorya at nakadagdag ng impact sa istorya para lalo itong maging maganda sa kabuuan ng pelikula o walang saysay ang kanyang pagkawala sa istorya?
Ayon sa aktor, pinag-uusapan nila ng kanyang manager na si Direk Chito Roño ang role na inaalok sa kanya bago ito tanggapin. Pinag-aaralan nila ang importansya ng kanyang papel na gagampanan at di bale kung buhay siya sa buong pelikula o mawawala siya sa kalagitnaan nito.
Sa kabilang banda, ayaw ni Danilo na mangyaring mamatay siya nang hindi siya handa o wala pa siyang maiiwan na makabuluhang bagay na maalaala siya ng mga taga-industriya. "Hindi naman siguro, huwag naman pero ang balita ko, ang ganitong role ay pangontra. At least, mas hahaba ang buhay ko."
Pangarap ng aktor na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ngayong pasukan at nasa first year college na siya. Napag-uusapan na nila ito ng kanyang manager at ang magiging problema lamang ay pagkakaroon ito ng conflict sa schedule niya. Alex Datu