Snooky, ipinapasa na ang korona kay Claudine
March 31, 2004 | 12:00am
Abot hanggang tenga ang kasiyahang nadarama ng aktres na si Snooky Serna sa mga panahong ito. Ang dahilan ay ang phenomenal success ng bagong fantaserye sa telebisyon, ang Marina. Ito ay nagpapatunay lamang na si Snooky ang nananatiling nangunguna sa larangan ng pantasya. Kung inyong natatandaan, si Snooky ay binansagang Reyna ng Pantasya ng Pelikulang Pilipino halos 20 taon na ang nakalilipas. Sino ang makalilimot sa magic na pinamalas niya sa kanyang mga pelikulang tulad ng Blusang Itim, Rosa Mistica at Mga Kwento ni Lola Basyang?
Sa Marina, si Snooky ay gumaganap bilang Esther, ang isinumpang ina na kung saan ang kanyang anak na si Marina (ginagampanan ni Claudine Barretto) ay nagiging sirena tuwing kabilugan ng buwan. Ipinagkakaloob na ba ni Snooky ang titulong Reyna ng Pantasya kay Claudine Barretto?
"Surely! But Claudine doesnt need it dahil lahat ng genre na pinasukan niya ay successful siya," sagot pa niya.
Very vocal si Snooky sa pagsasabi ng kanyang paghanga kay Claudine. Sabi niya, "Claudine made me feel very welcome on the set. Shes very hardworking and talented, bilib ako sa kanya,"
Sa darating na Abril 4 magdiriwang ng kanyang kaarawan si Snooky sa Sunday musical variety show na ASAP sa ABS-CBN. Samahan natin siya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. "I have every reason to celebrate!" sabi pa ng dating child actress, na ngayoy nagi-enjoy sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended