Di totoong miyembro ng The Platters? Peke ba si Bobby Soul?

Ilang taon na ba sa Pilipinas si Bobby Soul na ang pakilala sa ating lahat ay isang original member ng pamosong grupo ng The Platters? Wala namang dahilan para paghinalaan siyang di nagsasabi ng totoo at tunay namang maganda ang kanyang boses lalo’t ang binabanatan ay mga awitin ng The Platters.

Sa isang pagsu-surf sa internet, napagalaman ko na ang The Platters ay isang grupo na binuo ni Herb Reed, ang bass singer ng grupo nung taong 1953. Ang apat pang myembro nito ay sina Joe Jefferson, Cornell Gunther at Alex Hodge. Makalipas lamang ang ilang buwan ay nawala sina Joe at Cornell at pinalitan sila nina David Lynch at Tony Williams. Early in 1954 nang mapasama sa grupo si Zola Taylor.

Sa lima, si Herb na lamang ang natitirang myembro ng grupo na nagpi-perform at binigyan ng karapatan ng Federal District Court sa Las Vegas, Nevada na gamitin ang pangalang The Platters.

Maraming grupo ng The Platters na gumagala sa mundo on tour pero, wala ni isa man sa kanila ang nagki-claim na kasama sila sa original members ng grupo.

So saan nanggaling si Bobby Soul? Tunay ba siyang kasali sa orihinal na myembro ng The Platters? Bakit hindi man lamang nabanggit ang pangalan niya sa istorya ng grupo, mula sa pagkakatatag nito hanggang sa kasalukuyang panahon? Maganda naman ang boses niya, di na niya kailangang maki-ride on sa naging popularidad ng grupo. Tinanggap siya ng buong puso ng mga Pinoy. Tinatangkilik nila ang mga palabas niya sa nakaraang mga taon na naririto siya sa bansa. Marami rin tayong kababayan na nagprodyus ng palabas para sa kanya although I doubt kung ganun naging kadali ang pagsikat niya rito sa ating bansa kung di niya ginamit ang pangalan ng The Platters. Pero, sino ang makapagsasabi, baka rin naman, tayo namang mga Pinoy ay madaling maakit ng isang talino, lalo’t dayuhan.
* * *
Bilang pagdiriwang ng kanyang ika-10 anibersaryo, magkakaroon ng isang TV party ang The Filipino Channel (ABSCBN TFC) sa ASAP Mania sa Abril 4. Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood sa ASAP Global Mania ang dalawang magkasabay na palabas na mapapanood sa buong mundo kung saan may TFC, isang telecast na ABS CBN lamang ang makakapagsagawa.

Mula sa Cow Palace sa San Francisco pangungunahan ng pinakapoppular na TFC endorser na si Martin Nievera ang mahabang listahan ng mga artistang makikipagsaya sa mga Pinoy sa Amerika- Hunks, Heart, John, Camille, John Lloyd, Kaye, G. Toengi, Mickey, Louie Reyes at Joey Albert.

Mula sa Studio 10 ng ABS-CBN Channel 2, ilan sa pinaka-malaking pangalan sa showbiz ang maghu-host ng Manila TV party–Zsazsa, Kuh, Piolo, Bea, Sarah, Sheryn, Erik, Mark, Nina, King, Bituin, Anna at Gary V.

B
ilang highlight ng selebrasyon, ilulunsad ng TFC ang bago nitong logo on-air look, TV features at station ID na kakantahin ni Lea Salonga bagaman at marami sa mga press na dumalo sa pa-presscon ng ABSCBN TFC ang nagtatanong kung bakit hindi pa sa nag-iisang superstar ng bansa na si Nora Aunor ipinagkaloob ang pagkakataon, After all, mas marami raw Pinoy sa US ang nakakakilala kay Nora kaysa kay Lea. Tumanggap sila ng sagot na mas sikat internationally si Lea at mayroon pa itong Tony Award to boot.

Ang ABSCBN TFC ay napapanood na sa US, Middle East, Europe, Asya, isang matagumpay na katuparan ng pangarap ni ABSCBN Chairman Emeritus Eugenio Lopez, Jr. na maabot ng telebisyon ang lahat ng bansa na kung saan may Pilipino.

Show comments