Lito, payag na pakasalan ni Mark si Kris!

Na-impressed kami sa Starstruck Avenger na si Dion Ignacio who turned 18 nung nakaraang Marso 28 dahil sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ay nananatili itong simple at mapagkumbaba. Hindi nito ikinahihiya ang kanyang pinagmulan at mahirap na pamilya sa Siniloan, Laguna.

Nung nakaraang linggo, sa araw ng kanyang kaarawan, naging guest siya sa S-Files kung saan siya ininterview ni Paolo Bediones. Habang ini-interview siya, ipinakita ang kanilang bahay at pamilya sa Siniloan. Nagbigay din ng mensahe kay Dion ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay, ang kanyang ina, ang kanyang kinagisnang ama at ang kanyang mga kababayan at teachers sa kanilang lugar. Halos mapaiyak si Dion sa kanilang mga mensahe. Wala siyang kaalam-alam na ang kanyang ina ang kanyang magiging surprise gift nang hapong ‘yon.

Base sa aming napanood, isang mabait na anak, kapatid at estudyante si Dion kaya marami ang nagmamahal sa kanya.

Si Dion ay mag-isang anak ng kanyang inang si Jovy sa dating kasintahan nitong tumalikod sa kanya. Nakapag-asawa ng iba si Jovy at ang napangasawa nito ang tumayong ama ni Dion. Nagkaroon din ito ng apat na kapatid.

Nung nakaraang Semana Santa, sa isang public pool sa Paquil, Laguna, nakita si Dion ng entertainment writer at talent manager na si Leo Bukas. Although payat na payat pa noon si Dion, maraming tagihawat sa mukha at sungki-sungki ang ngipin, alam ni Leo na may dating ito kaya ito’y kanyang ni-repackaged. Ipina-derma niya si Dion, pina-brace ang ngipin at binihisan at saka isinali sa Circle of 10 Image Model Search at suwerte naman at ito ang nanguna sa mga candidates. Nabalitaan ito ng mga nangangasiwa ng Starstruck sa GMA-7 kaya inimbitahan si Leo na ipa-screentest ang kanyang alaga. Ala-una ng madaling araw ay nagtungo sila sa GMA at suwerte namang pumasok si Dion sa Top 60 then sa Top 30 hanggang sa mapili na ang Top 14 survivors ng Starstruck.

Nag-iba totally ang dating ni Dion matapos siyang mapabilang sa Starstruck Avengers.

Although si Nadine Samonte ang kanyang ka-loveteam, alam ng marami na naka-bakod na kay Nadine si Oyo Boy Sotto at si Dion naman ay may non-showbiz girlfriend na nagngangalang Mai na kung hindi kami nagkakamali ay anak ng isa sa mga campaign managers ni FPJ.
* * *
Blooming talaga ngayon si Kris Aquino at ang panganay ni Senatoriable Lito Lapid na si Mark Lapid ang dahilan. 

Mas batang di hamak si Mark kay Kris, pero pagdating sa pag-ibig ay hindi na pinag-uusapan ang edad. Kandidato sa pagka-governador ng Pampanga si Mark, ang posisyon na iiwan ng kanyang ama na kandidato ngayon sa pagka-senador sa ilalim ng K-4 ni PGMA.

Ang maganda kay Mark, ito’y binata at walang sabit.  Sakali mang mauwi sa totohanan ang kanilang maging relasyon ni Kris, kaya niyang pakasalan si Kris. Maging si Gov. Lito Lapid ay boto kay Kris para sa kanyang anak. Kumbaga, may backer na si Mark kay Kris, ang kanyang amang si Lito.   

Ang dating beauty queen na si Darlene Carbungco ang dating katipan ni Mark.
* * *
Hindi na-discouraged si Juliana Palermo sa hindi niya pagkakatanggap sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant.  Susubok pa rin umano siya sa susunod dahil 18 pa lamang naman daw siya at pwede pa siyang mag-try hanggang 24 na siya.

Since napili na ang mga 2004 winners ng Bb. Pilipinas, balik-showbiz si Juliana.  Mabuti na lamang at maraming raket ang ibinibigay sa kanya ng kanyang manager na si Jojo Gabinete na siya ring manager ni Diana Zubiri.
* * *
Email: <a_amoyo@pimsi.net>

Show comments