3 ang mesang kainan nina Gladys
March 30, 2004 | 12:00am
Nagpapahinga na si Gladys Reyes after na makunan ito. Balik ito sa pagiging housewife.
Kapag nagluto ito ng sinigang na baka na paborito ni Christopher Roxas ay nakadikit na halos sa kanyang teynga ang wireless phone at step by step ay tinatanong ang ama ng tamang timpla at pagluluto nito. Magaling kasing magluto ang papa ni Gladys dahil Kapampangan nga ito.
Si Gladys mismo ang nag-aayos at naglilinis ng bahay dahil dito ay napapanaginipan na niya ang sarili na nag-aalis ng agiw sa kisame.
Tatlo ang dining table sa bahay nito. May mesa para sa mga importanteng okasyon at special na bisita. Yong isa pa ay para sa dirty kitchen na araw-araw na ginagamit. At ang huling mesa ay nakalagay sa garahe para kung may bisita si Chris na mga lalaki ay doon sila mag-iinuman.
Bagamat hinihintay pa ang syuting ng international movie ay excited ito dahil first time niyang manalo ng award bilang best supporting actor noong nakaraang Metro Manila Film Festival para sa Filipinas. Nasundan ito ng another trophy sa Star Awards for Movies sa ganoon ding kategorya. Ngayon ay umaasa ito na sanay masungkit nito ang pagiging grand slam winner kailangan niyang manalo sa FAMAS, URIAN at FAP Awards.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended