Lito Lapid, tahimik pero mapanganib

Sariling diskarte ni Gov. Lito Lapid sa kanyang pagkampanya na tumatakbong senador sa darating na eleksyon. Wala siyang kaingay-ingay tulad ng iba na kabi-kabila ang ad sa kanilang kandidatura.

Likas kay Lito ang pagiging tahimik noong araw pa. Pero huwag ninyong isnabin, marami siyang tagahanga. Bida ng Masa ang tawag sa kanya. Tuwing may parada ang mga kasamahan ni Lito sa iba’t ibang bayan, kaagad siyang hinahanap.

Noong sa Puerto Prinsesa, Palawan nagkampanya si Pangulong Gloria Arroyo, hinahanap namin siya. Nandoon kasi kami na inimbitahan naman ni Mayor Edward S. Hagedorn para sa RP-US Balikatan na magtatapos ng pagsasanay doon sa Puerto Prinsesa. Ang napansin naming kasama ni GMA ay si Bong Revilla. Sayang at wala siya doon, marami pa lang naghahanap sa kanya.

Show comments