After a long break, bumalik si Roselle sa recording scene. This time, shes sexier, more mature di lamang sa itsura kundi maging sa kanyang pananaw sa buhay at musical sound. Ang mga pagbabagong ito ay bakas na bakas sa kanyang ika-4th album under Viva Records, her first with the company which is produced by Side As Joey Benin.
Titled "Bare", mayron itong 12 cuts, all potential hits sa pangunguna ng isa niyang komposisyon, ang "Makakaya Ko Ba" na siya ring carrier single ng album. Dahil marahil sa nagpapakita ito ng kasalukuyang status ng kanyang pag-ibig kung kaya nagsusumigaw sa awitin ang damdamin niyang nadarama.
Hindi ibig sabihin na dahil "Bare" ang titulo ng album ay handa na rin siyang magbilad ng katawan lalot sinabi niya na interesado rin siyang gumawa ng pelikula sa Viva at kung bibigyan nila siya ng role na bagay sa kanyang new image,di malayong tanggapin niya ito. "I can be sexy pero di ko pa kaya yung mga daring love scenes. Hanggang pa-sexy lang ako," sabi ni Roselle. "At saka di naman ibig sabihin ng "bare" na maghuhubad na ako, ibinabadya lamang nito ang pagbibilad ko ng aking emosyon na di ko dating ginagawa," dagdag paliwanag pa niya.
Talagang seryoso siyang magpa-sexy, Katunayan, muli siyang bumalik ng gym para mag-work out. The result is a daring pictorial na inilagay sa cover ng album, plus the promo photos na kinunan ni Jun de Leon na ang kasama lamang niya habang kinukunan siya ay isang tiyahin, isang alalay, isang make-up artist at silang dalawa ng potograpo.
"The sexy image is no problem. Im comfortable with it. I found it very classy and professionally done," pagmamalaki pa niya.
Oo naman, di nila makakayang takutin ang hari ng komedya dahil maraming nag-aabang at naghihintay sa serbisyo nito. Sila ang mawawalan in the long run at hindi si Dolphy. Palagay ko nga, tsismis lang ito na binigyan ng napaka-tingkad na kulay.