Napaka-shortlived naman ng reality-based program nina
Rica Peralejo at
Marvin Agustin sa
ABS-CBN, ang
To The Max dahil hindi man lamang ito umabot ng one season o thirteen weeks. Last airing na ng programa kahapon, Biyernes, dahil papalitan na ito ng bagong teleserye ni
Piolo Pascual, ang
Mangarap Ka.
Siyempre pa, parehong nalungkot sina Rica at Marvin sa maagang pagkawala sa ere ng kanilang daily afternoon program. Pero hindi dapat malungkot sina Rica at Marvin dahil pareho pa rin naman silang may respective programs sa
Dos - si Rica ay may dalawa, ang sitcom na
OK, Fine Whatever at ang musical variety show na
ASAP Mania habang si Marvin naman ay may
Tanging Ina at ang teleseryeng
Sanay Wala Nang Wakas.
Parehong dumating sa sala ni Judge
Abednego ang dating mag-asawang
Aiko Melendez at
Jomari Yllana nung Miyerkules ng hapon para dinggin ang inihaing reklamo ni Jomari na may kinalaman sa visitation rights niya sa kanilang anak na si
Andrei. Bago nagbigay ang judge ng kanyang desisyon ay kinausap niya ang dating mag-asawa nang hindi kasama ang kanilang mga abugado. Pumayag na si Aiko sa request ni Jomari kaya masaya ang huli. Ang dating mag-asawa ay dumalo rin sa graduation ni Andrei sa prep kamakailan lang. Sana, kahit hiwalay na sila ay maging magkaibigan pa rin sila alang-alang sa kanilang anak.
Samantala, tahimik pa rin si Aiko tungkol sa isyu ng paghihiwalay nila ni
Victor Neri at ayaw din ni Jomari na makisawsaw sa isyu dahil labas na umano siya roon. Ang mahalaga, happy siya ngayon sa relasyon nila ni
Ara Mina.
Sa mga nagtataka kung bakit biglang nawala si
Ogie Diaz sa
Magandang Umaga Bayan o
MUB kasama si
Nina Corpuz, ay tiyak na matutuwa dahil babalik sa nasabing programa si Ogie simula sa darating na Lunes. May kaunting problema lamang umanong inayos sa pagitan ng Dos at ni Ogie. Ang hindi namin alam ay kung balik din si Ogie sa kanyang radio program sa
DZMM, ang
Ms. M, Ms. O..... Mismo. Nagkaroon umano ng meeting sa bahay ng comedy king na si
Dolphy sa pagitan ng komedyante at dalawang big bosses ng
ABS-CBN na sina
G.
Gabby Lopez at
Ms. Charo Santos-Concio. Kung anuman ang pinag-usapan ng tatlo ay tiyak na confidential ito. May mga ispekulasyong lumabas na marahil ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Dolphy at pamunuan ng Dos na may kinalaman sa weekly sitcom na
Home Along Da Airport kung saan ay muling nag-taping ang top comedian.
Kung saka-sakali man daw na sibakin ang
Home Along Da Airport ay hindi ito magiging problema sa komedyante dahil naka-abang sa kanya ang
ABC-5 at maging ang
GMA-7. Hindi rin umano takot si Dolphy na mawala ang kanyang programa sa
Dos. Ang inaalaala lamang niya ay ang kanyang mga kasamahan sa programa na mawawalan ng trabaho.
Simula nang kumalat ang kontrobersya sa pagitan nina Dolphy at Dos ay naging tahimik lamang ang live-in sweetheart ni
Zsa Zsa Padilla. Ayaw nitong magkomento anumang pilit ang gawin sa kanya. May suspetsa ang marami na tatapusin marahil ng Dos ang kontrata ni Dolphy sa kanila kesa naman ipa-terminate nila ito sa gitna ng mga kontrobersya.
Dahil sa mga pangyayari, concerned umano ang
KNP presidential candidate na si
FPJ sa kanyang kumpareng Dolphy dahil sa pagsuporta nito sa kanya ay nadadamay ang trabaho nito. Pero nangako naman umano si Dolphy na kahit anuman ang mangyari, hindi umano siya bibitaw sa pagsuporta sa movie king at gumawa pa nga ito ng ad endorsement para kay FPJ.
Si FPJ din ang tanging kandidato na sinuportahan nang husto ni Dolphy dahil bukod sa kanilang pagiging matalik na magkaibigan, naniniwala umano si Dolphy sa kakayahan ni FPJ.
Tinuldukan na umano ni
Kris Aquino ang relasyon nila ng dating mister ni
Alma Moreno na si Parañaque Mayor
Joey Marquez na kandidato ngayon sa pagka-congressman sa isang distrito sa Parañaque. May bali-balita na may bagong manliligaw umano ngayon ang bunso ni Tita
Cory kaya ibang-iba umano ngayon ang glow ni Kris. Obvious kasi kay Kris kapag siyay in-love.
Samantala, sabak ngayon sa magkahiwalay na kampanya ang dating mag-asawang Joey at Alma Moreno. Ang ex-couple ay nasa magkalabang partido kaya malabong magkatulungan sila sa kampanya. Si Alma ay kandidato sa pagka-mayor, ang posisyon na iiwanan ng kanyang dating mister.
Personal: Ang aking pagbati sa aking unica hija na si
Aila Marie Reyes sa kanyang pagtatapos ng Grade VI sa Lorenzo Ruiz de Manila School nung nakaraang Huwebes ng hapon ganundin sa aking apo sa pamangkin na si
Ivy Grace Gayo na nagtapos naman ng prep sa La Petite Learning Center sa Cainta, Rizal nung nakaraang Marso 19. Sina Aila at Mavy ay parehong nagtapos with academic honors.
a_amoyo@pimsi.net