Nagkaroon naman daw ng pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at ni Mang Dolphy mismo, at sinabing bagsak kasi ang ratings ng kanyang show. Totoo na may mga araw na tinatalo sila ng Channel 7, pero lamang pa rin naman sa ratings ang show ni Mang Dolphy, kaya nga iginigiit ng iba na hindi ratings lamang ang problema.
Maraming mga bagay ang kailangang isipin. Hindi lamang naman isyung pulitikal iyan. Baka naman dahil sa malaking bayad kay Mang Dolphy ay nalulugi na ang ABS-CBN. Isipin ninyo, walong bilyon ang utang ng Maynilad na pag-ari ng mga Lopez sa gobyerno. Malaki pa ring halaga ang hindi naisasauli ng Meralco sa sobrang siningil nila sa mga consumers. Kahit na nga naibalik nila yang PPA sa ibang pangalan, malaki pa ring kawalan ang ipinasauli sa kanila na sobra nilang siningil. Aminin din natin ang katotohanan na bagsak naman ang iba nilang interests, kagaya ng Bayantel at iba pa nilang negosyo na hindi naman talaga kumikita. Lugi rin yang ABS-CBN sa laki ng kanilang gastos, at sa dami ng nalulugi nilang subsidiaries.
Siguro dahil lugi na nga sila kaya kailangan ng cost cutting, at isa si Mang Dolphy sa naisip nilang sibakin. Pero hindi ganoon kadali ang sumibak ng isang institusyon. Una, mapapahiya sila dahil tiyak namang may kukuhang iba kay Mang Dolphy. Hindi mo mababakante si Mang Dolphy. Hindi mo maaaring kawawain ang Hari ng Komedya. Kahit na ano pa ang sabihin mo, lalabas na inagrabyado mo si Mang Dolphy, dahil hindi pa tapos ang kontrata niya.
Kung nagawa nila yan sa isang institusyon kagaya ni Mang Dolphy, eh di lalo na sa iba pa nilang stars. Aba kailangang mag-ingat silang lahat.
Eh yon ang commend ng mga nakakausap namin hindi namin kaya di kami dapat irapan ng manager ng laos nang male bold star na kasama sa grupong yon.