Alicia Mayer, inirereklamo ng mga co-host ng Eat Bulaga
March 25, 2004 | 12:00am
How true na nagreklamo sina Toni Gonzaga, Ruby Rodriguez and Toni Rose Gayda kay Vic Sotto against Alicia Mayer.
OA na raw kasi si Alicia sa pagiging taklesa as in feeling ng mga co-host niya its about time na pagsabihan na siya.
Una raw nagsumbong ang tatlo kay Vic Sotto. And then kinausap daw ni Vic si Ms. Malou Chua Fagar, Eat Bulaga producer na kausapin si Alicia para bawasan ang pagiging taklesa.
Naku iha, dapat matuto kang makisama para magtagal ka sa show. Im sure hindi feel ng isa kong friend ang ganitong balita.
Sayang naman kong mawawala ka sa Eat Bulaga.
Totoo kayang plano na ring lumipat ni Ciara Sotto sa GMA 7? Isang source na malapit sa actress ang nagsabi na unhappy na sila sa takbo ng career ni Ciara dahil hanggang ngayon, wala pa siyang regular show except for ASAP Mania na isang katerba naman ang host.
Ayaw munang mag-comment ni Ciara tungkol sa nasabing issue.
Siguradong ang unang maha-hurt once na tuluyan na niyang iwan ang Dos ay ang kanyang Ate Sharon dahil si Ciara ang pinaka-favorite na cousin ng megastar.
Basta ang concentration daw ngayon ni Ciara ay sa kanyang studies. Bago kasi natapos ang semester, ilang exam ang kinuha kung saan kailangan niyang kumanta ng 5 song in different languages. Kaya wala siyang ginawa before the end of the semester kundi mag-practice. Incoming fourth year na si Ciara sa Conservatory of Music sa University of Sto. Tomas.
Dahil sa American Idol, kilalang-kilala na ang Fil-Am na sina Camille Velasco and Jasmine Trias. In fact, may sarili na silang website at fan club.
Imagine nga naman, ikaw na ang maka-survive sa mga judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson, and the famously cruel Simon Cowell sa no. 1 show sa America na napapanood sa Star World channel sa bansa. Actually, mas exciting panoorin ang American Idol na hatinggabi na pinapalabas sa Star World. Minsan inaabutan ko, before 3:00 a.m.
Like last Tuesday night kung saan nakasama sa final 2 si Jasmine Trias na top choice ng mga judges.
Akala ko konti lang ang nanonood dahil nga alanganing oras na palabas, hindi pala. Kahit sa radio pinag-uusapan ng ilang DJ na nanood sila ng American Idol.
Sayang lang nga at walang chance na mag-participate sa voting ang mga Asian dahil hindi ito available sa Asia. Siguro kung open lang ito sa atin, Im sure, kahit gumastos siguradong maraming makiki-join sa pagboto kina Camille and Jasmine.
Sa official website ng American Idol, nakalagay sa brief history ng American Idol na nakuha pala ang idea ng producer nito sa big hit na Pop Idol sa UK. At sa pagpasok nila, nakakuha agad sila ng mataas na ratings.
Sa unofficial website ni Camille na nakapasok sa finals, nasa question and answer portion ang tungkol sa kanyang personal background niya. Please check: http://www.camilevelascofansite.com.
Maging si Jasmine ay may official website na rin na na-invade na ng mga Pilipino (http://jasmine.filipinopeople.com/jasmine/bio.htm).
At habang umiinit ang usapan tungkol sa nasabing programa, balikan natin ang ilang past winners ng American Idol na ngayoy hinahangaan ng marami hindi lamang sa Amerika, kundi maging dito rin sa atin.
Isa na rito si Kelly Clarkson, isang waitress galing Texas. Siya ay naging household name nang ma-capture ng kanyang soulful voice ang puso at isipan ng milyun-milyong viewers ng American Idol na bumoto sa kanya upang manalo noong September, 2002.
Mula noon ay hindi na napigilan pa ang pagsikat ni Kelly. Ang kanyang debut album, "Thankful," ay bumenta ng over a million copies sa Amerika pa lamang.
Dalawang hit songs din ang na-produce ng nasabing compilation, ang singles na "A Moment Like This" at ang "Miss Independent" na madalas nating marinig sa mga AM and FM stations.
The following year, pumalaot naman ang pangalan ni Ruben Studdard bilang American Idol 2. Ang naging mahigpit niyang kalaban nung taong yon ay si Clay Aiken.
Na-conquer ni Ruben, na kung tawagin ay "Velvet Teddy Bear," ang Amerika sa pamamagitan ng sold out performances at ngayon nga ay isang bagong album, "Soulful," which contains "Sorry 2004" at ang version niya ng "Flying Without Wings," isang Westlife original.
Samantala, kahit natalo kay Ruben Studdard, nakasungkit din si Clay Aiken ng isang recording contract kung saan ang kanyang debut album ay titled "Measure of a Man."
Kasama sa nasabing album ang ngayoy charttopping single na "Invisible."
"Thankful" ni Kelly Clarkson, "Soulful" ni Ruben Studdard at "Measure of a Man" ni Clay Aiken lahat ito ay produkto ng hit TV show na American Idol at ngayoy available na sa CDs and cassettes sa leading record bars under BMG Records Pilipinas.
OA na raw kasi si Alicia sa pagiging taklesa as in feeling ng mga co-host niya its about time na pagsabihan na siya.
Una raw nagsumbong ang tatlo kay Vic Sotto. And then kinausap daw ni Vic si Ms. Malou Chua Fagar, Eat Bulaga producer na kausapin si Alicia para bawasan ang pagiging taklesa.
Naku iha, dapat matuto kang makisama para magtagal ka sa show. Im sure hindi feel ng isa kong friend ang ganitong balita.
Sayang naman kong mawawala ka sa Eat Bulaga.
Ayaw munang mag-comment ni Ciara tungkol sa nasabing issue.
Siguradong ang unang maha-hurt once na tuluyan na niyang iwan ang Dos ay ang kanyang Ate Sharon dahil si Ciara ang pinaka-favorite na cousin ng megastar.
Basta ang concentration daw ngayon ni Ciara ay sa kanyang studies. Bago kasi natapos ang semester, ilang exam ang kinuha kung saan kailangan niyang kumanta ng 5 song in different languages. Kaya wala siyang ginawa before the end of the semester kundi mag-practice. Incoming fourth year na si Ciara sa Conservatory of Music sa University of Sto. Tomas.
Imagine nga naman, ikaw na ang maka-survive sa mga judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson, and the famously cruel Simon Cowell sa no. 1 show sa America na napapanood sa Star World channel sa bansa. Actually, mas exciting panoorin ang American Idol na hatinggabi na pinapalabas sa Star World. Minsan inaabutan ko, before 3:00 a.m.
Like last Tuesday night kung saan nakasama sa final 2 si Jasmine Trias na top choice ng mga judges.
Akala ko konti lang ang nanonood dahil nga alanganing oras na palabas, hindi pala. Kahit sa radio pinag-uusapan ng ilang DJ na nanood sila ng American Idol.
Sayang lang nga at walang chance na mag-participate sa voting ang mga Asian dahil hindi ito available sa Asia. Siguro kung open lang ito sa atin, Im sure, kahit gumastos siguradong maraming makiki-join sa pagboto kina Camille and Jasmine.
Sa official website ng American Idol, nakalagay sa brief history ng American Idol na nakuha pala ang idea ng producer nito sa big hit na Pop Idol sa UK. At sa pagpasok nila, nakakuha agad sila ng mataas na ratings.
Sa unofficial website ni Camille na nakapasok sa finals, nasa question and answer portion ang tungkol sa kanyang personal background niya. Please check: http://www.camilevelascofansite.com.
Maging si Jasmine ay may official website na rin na na-invade na ng mga Pilipino (http://jasmine.filipinopeople.com/jasmine/bio.htm).
At habang umiinit ang usapan tungkol sa nasabing programa, balikan natin ang ilang past winners ng American Idol na ngayoy hinahangaan ng marami hindi lamang sa Amerika, kundi maging dito rin sa atin.
Isa na rito si Kelly Clarkson, isang waitress galing Texas. Siya ay naging household name nang ma-capture ng kanyang soulful voice ang puso at isipan ng milyun-milyong viewers ng American Idol na bumoto sa kanya upang manalo noong September, 2002.
Mula noon ay hindi na napigilan pa ang pagsikat ni Kelly. Ang kanyang debut album, "Thankful," ay bumenta ng over a million copies sa Amerika pa lamang.
Dalawang hit songs din ang na-produce ng nasabing compilation, ang singles na "A Moment Like This" at ang "Miss Independent" na madalas nating marinig sa mga AM and FM stations.
The following year, pumalaot naman ang pangalan ni Ruben Studdard bilang American Idol 2. Ang naging mahigpit niyang kalaban nung taong yon ay si Clay Aiken.
Na-conquer ni Ruben, na kung tawagin ay "Velvet Teddy Bear," ang Amerika sa pamamagitan ng sold out performances at ngayon nga ay isang bagong album, "Soulful," which contains "Sorry 2004" at ang version niya ng "Flying Without Wings," isang Westlife original.
Samantala, kahit natalo kay Ruben Studdard, nakasungkit din si Clay Aiken ng isang recording contract kung saan ang kanyang debut album ay titled "Measure of a Man."
Kasama sa nasabing album ang ngayoy charttopping single na "Invisible."
"Thankful" ni Kelly Clarkson, "Soulful" ni Ruben Studdard at "Measure of a Man" ni Clay Aiken lahat ito ay produkto ng hit TV show na American Idol at ngayoy available na sa CDs and cassettes sa leading record bars under BMG Records Pilipinas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am