Mas masama ang loob ng staff ng Sing-Galing kay Ethel. Sa nasabing show unang nakilala si Ethel. Ilang weeks siyang naging champion dito.
"Napakawalang-utang na loob niya," sabi ng kaibigan kong staff ng show. "Imagine, pinaghintay niya kami, si Aiai. Tapos walang pasabi kung dadating ba siya o hindi. Napaka-unprofessional. Hindi pa man sikat, unprofessional na. Ang sama-sama ng loob namin sa kanya."
May nakarating din sa aking balita na kahit sa guesting ni Ethel sa ibang TV shows ay madalas itong late.
Speaking of Sing-Galing, last Saturday ay ini-launch na si John Lapus bilang co-host ni Aiai. Guest sa Sabado sina Madam Auring at ang boyfriend nitong si Archie Mendoza. May nakakalokang eksena raw na ginawa sina Madam at Archie na mapapanood sa Sabado.
Kinuwestiyon ang pagkatao ni Nancy. Marami ang nagduda sa tunay niyang kasarian. May mga nagsasabi na isa siyang lalaki. Hanggang sa mag-undergo siya ng gender verification na isinagawa ng Philippine Sports Commission.
Hindi inilabas ang naging resulta ng examination. Hanggang sa tuluyan nang maglaho si Nancy. Hindi na siya nakapaglaro. Nanahimik siya sa kanyang hometown sa Luna, La Union. Balik siya sa pamumulot ng bato sa dagat.
Pero hindi pa rin nagtapos ang hinagpis ni Nancy. Patuloy pa rin siyang kinukutya at tila naglaho na ang kanyang pangarap na muling maglaro at tumakbo. Tuluyan na kayang aminin ni Nancy ngayong gabi ang katotohanang bumabalot sa tunay niyang pagkatao?
Sa The Nancy Navalta Story, si Alessandra de Rossi ang gaganap bilang Nancy. Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Ronnie Lazaro, Empress Schuck, Neil Sese at Mario Magalona. Si Rory Quintos ang nagdirek ng episode.