Ethel Booba, inindyan ang 'Sing-Galing ' at si Aiai
March 25, 2004 | 12:00am
Masamang-masama ang loob ni Aiai delas Alas kay Ethel Booba dahil sa di nito pagsipot sa supposed guesting ng huli sa Sing-Galing sa ABC 5. 4PM ang call time ni Ethel pero 8PM ay wala pa ito. Hanggang sa mag-decide ang production staff na mag-roll na kahit wala si Ethel Booba.
Mas masama ang loob ng staff ng Sing-Galing kay Ethel. Sa nasabing show unang nakilala si Ethel. Ilang weeks siyang naging champion dito.
"Napakawalang-utang na loob niya," sabi ng kaibigan kong staff ng show. "Imagine, pinaghintay niya kami, si Aiai. Tapos walang pasabi kung dadating ba siya o hindi. Napaka-unprofessional. Hindi pa man sikat, unprofessional na. Ang sama-sama ng loob namin sa kanya."
May nakarating din sa aking balita na kahit sa guesting ni Ethel sa ibang TV shows ay madalas itong late.
Speaking of Sing-Galing, last Saturday ay ini-launch na si John Lapus bilang co-host ni Aiai. Guest sa Sabado sina Madam Auring at ang boyfriend nitong si Archie Mendoza. May nakakalokang eksena raw na ginawa sina Madam at Archie na mapapanood sa Sabado.
Ang kwento ng buhay ni Nancy Navalta ang tampok na episodes sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Si Nancy ay unang sumikat bilang isang track star na sunud-sunod ang inaning tagumpay sa track and field at nangarap na maging Asias fastest woman. Umani siya ng tagumpay at papuri subalit naging panandalian lamang ito.
Kinuwestiyon ang pagkatao ni Nancy. Marami ang nagduda sa tunay niyang kasarian. May mga nagsasabi na isa siyang lalaki. Hanggang sa mag-undergo siya ng gender verification na isinagawa ng Philippine Sports Commission.
Hindi inilabas ang naging resulta ng examination. Hanggang sa tuluyan nang maglaho si Nancy. Hindi na siya nakapaglaro. Nanahimik siya sa kanyang hometown sa Luna, La Union. Balik siya sa pamumulot ng bato sa dagat.
Pero hindi pa rin nagtapos ang hinagpis ni Nancy. Patuloy pa rin siyang kinukutya at tila naglaho na ang kanyang pangarap na muling maglaro at tumakbo. Tuluyan na kayang aminin ni Nancy ngayong gabi ang katotohanang bumabalot sa tunay niyang pagkatao?
Sa The Nancy Navalta Story, si Alessandra de Rossi ang gaganap bilang Nancy. Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Ronnie Lazaro, Empress Schuck, Neil Sese at Mario Magalona. Si Rory Quintos ang nagdirek ng episode.
Mas masama ang loob ng staff ng Sing-Galing kay Ethel. Sa nasabing show unang nakilala si Ethel. Ilang weeks siyang naging champion dito.
"Napakawalang-utang na loob niya," sabi ng kaibigan kong staff ng show. "Imagine, pinaghintay niya kami, si Aiai. Tapos walang pasabi kung dadating ba siya o hindi. Napaka-unprofessional. Hindi pa man sikat, unprofessional na. Ang sama-sama ng loob namin sa kanya."
May nakarating din sa aking balita na kahit sa guesting ni Ethel sa ibang TV shows ay madalas itong late.
Speaking of Sing-Galing, last Saturday ay ini-launch na si John Lapus bilang co-host ni Aiai. Guest sa Sabado sina Madam Auring at ang boyfriend nitong si Archie Mendoza. May nakakalokang eksena raw na ginawa sina Madam at Archie na mapapanood sa Sabado.
Kinuwestiyon ang pagkatao ni Nancy. Marami ang nagduda sa tunay niyang kasarian. May mga nagsasabi na isa siyang lalaki. Hanggang sa mag-undergo siya ng gender verification na isinagawa ng Philippine Sports Commission.
Hindi inilabas ang naging resulta ng examination. Hanggang sa tuluyan nang maglaho si Nancy. Hindi na siya nakapaglaro. Nanahimik siya sa kanyang hometown sa Luna, La Union. Balik siya sa pamumulot ng bato sa dagat.
Pero hindi pa rin nagtapos ang hinagpis ni Nancy. Patuloy pa rin siyang kinukutya at tila naglaho na ang kanyang pangarap na muling maglaro at tumakbo. Tuluyan na kayang aminin ni Nancy ngayong gabi ang katotohanang bumabalot sa tunay niyang pagkatao?
Sa The Nancy Navalta Story, si Alessandra de Rossi ang gaganap bilang Nancy. Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Ronnie Lazaro, Empress Schuck, Neil Sese at Mario Magalona. Si Rory Quintos ang nagdirek ng episode.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended