Hair Asia,ayaw na kay Fanny Serrano ?

Mapupulutan ng maraming aral ang super-successful, extrambotika at bonggacious to-the-max na Annual Hair Asia event ni Evelyn Alvaran-Cruz na isinagawa kamakailan lamang sa World Trade Center, no less.

Halimbawa: Na-release na ni Evelyn totally and relevance ni Fanny Serrano sa nasabing event. Out na si Fanny (sa puso ni Evelyn), at "in" na "in" na ngayon si James Cooper na binigyan pa ni Evelyn ng Hall of Fame Award.

Ang mga graduates nina Evelyn at Ivory Tower diumano ay ang taga-ayos ngayon ng gawa ng mga nagpapagupit o di kaya nagpapa-make-up sa branches ng Reyes Haircutters na ang prangkisa ay pag-aari ng kapatid ni Ricky Reyes na si Less. True ba kaya ito, ha Senyor Les?

Fad lang daw ang bagsak presyong 49.95 ng Reyes Haircutters na siyang nagpapababa ng imahe ng mga hairdresser ng bansa na kung saan ay siya namang pinakakaingat-ingatan ni Evelyn. Nagpapababa ng imahe? Agree kaya ang Haircutters beauties sa puntong ito?

Kahit hindi ka gay as in straight na babae ka, pwede kang kilalanin sa larangan ng pagpapaganda. ‘Yan ang kwento ng tagumpay ni Evelyn at ng kanyang Hair Asia.

Pinatunayan nina Evelyn at co-host niyang si Ivory Tower na naging megashow ang kanilang awards rites tulad ng taunang Oscar awards. Agree kami sa nakita naming high-end production value nito. Sa choreography at direksyon ba naman ng jazzmaster ng bansang si Douglas Nierras.

Lastly, yes pwede nang ituloy ni Evelyn ang kanyang napipintong hair and make-up show sa Channel 9. Sigurado kaming si James Cooper ang magiging co-host n’ya at hindi si Fanny Serrano. George Vail

Show comments