Dolphy at ABS-CBN,ginagamit ng FPJ strategist ?
March 24, 2004 | 12:00am
Last week ay inilunsad ng programang Maalala Mo Kaya ang MMK Give, isang text campaign na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan. Unang beneficiary ng MMK Give si Fatima Soriano, isang bata na kailangang mag-undergo ng liver transplant. Naka-raise ang MMK ng P2 million para kay Fatima. Ngayon ay isa nang malusog at matalinong bata si Fatima.
Sa pangalawang pagkakataon, muling binuksan ng puso ng MMK kay Kirby Hizon, isang one-year and seven-months old na bata na may sakit na biliary atresia. Kung tawagin si Kirby ay yellow baby dahil sa kanyang paninilaw.
Sa ngayon ay nasa pangangalinga ng Lingkod TV Patrol ni Korina Sanchez si Kirby at kailangang maka-raise ng P2 million para sa kanyang liver transplant.
Agad na sumaklolo ang MMK. Ongoing na ang text at Touch Mobile subscribers.
Last week sa Maalaala Mo Kaya ay isinadula ang buhay ni Nikolai Magtibay, isa sa mga naunang case ng biliary atresia dito sa bansa. Sa ngayon, nagpapagaling na si Nikolai. Marami rin ang tumulong para sa agarang pagpapaopera ni Nikolai.
Hanggang bukas, March 25 ay pwedeng mag-text para sa tulong kay Kirby Hizon. Para sa iba pang tulong pinansyal kay Kirby, pwede po kayong tumawag sa Lingkod TV Patrol sa 415-2272. Or pwede ninyong i-deposit sa Equitable-PCI bank account ni Kirby - 1491022821.
Itinanggi ng ABS-CBN management ang naglabasang balita na tinanggal si Dolphy at ang kanyang programang Home Along Da Airport sa ABS CBN 2 dahil sa lantaran nitong pagsuporta sa kandidatura ni Fernando Poe, Jr.
According to Maloli Espinosa-Manalastas vice president for corporate & government affairs and PR na hindi totoo ang kumalat na balita.
"As far as management is concerned, its not true. I hope Tito Dolphy will come out with his statement soon," sabi sa akin ni Ms. Maloli.
I personally feel na unfair kay Dolphy at ABS CBN na magamit ang isyu para pag-usapan si Fernando Poe, Jr. If it was a deliberate move by FPJ strategist, it was a pathetic stunt. Very desperate ang move na yon.
Maraming artista ang ABS CBN who have openly declared their support for FPJ pero tuloy ang trabaho nila sa said network. Kung tutuusin nga, maganda ang coverage na nakuha ni FPJ sa news programs ng ABS CBN kumpara sa ibang kandidato. Marami nga ang nagtatanong sa akin if ABS CBN is supporting FPJs candidacy.
Nangako naman si Ms. Maloli na magi-issue ng official statement para ma-clear na finally ang issue.
Ang "My Way" serial killing ang tampok na kwento sa Bastat Kasama Kita this week. Ang nasabing serial killing ang isa sa pinag-uusapang krimen ng nagdaang buwan.
"Recent reports state na may kinalaman talaga ang kantang "My Way" sa patayang nangyari. And based on our research, talagang may ganon nga. Kaya yun ang magiging undercover job nina Robin (Padilla) at Judy Ann (Santos) sa kwento," kwento sa akin ni BKK executive Julie Ann Benitez.
Si Michelle Bayle ang gumanap na serial killer. Iri-reveal sa mga susunod na episode ng Bastat Kasama Kita kung bakit niya pinapatay ang sinumang kumanta ng "My Way". Special guest din sina Rodel Velayo at Cloyd Robinson.
Bastat Kasama Kita, directed by Jerry Sineneng and Trina Dayrit, remains a top-rating primetime soap opera.
Gusto kong ipaabot ang aking pakikiramay sa kaibigan kong si Jojo Saguin sa pagpanaw ng kanyang ina si Mrs. Remedios Saguin sa edad na 75 noong March 21. Iniuwi na sa San Juan, Batangas ang labi ni Nanay Remedios at wala pang detalye kung kailan ang libing.
Si Direk Jojo ay isa sa mga in-house directors ng ABS-CBN. Siya ang direktor ng Victim at Wazzup Wazzup.
Mula sa pamunuan ng Pilipino Star Ngayon, ang pakikiramay, Direk Jojo.
Sa pangalawang pagkakataon, muling binuksan ng puso ng MMK kay Kirby Hizon, isang one-year and seven-months old na bata na may sakit na biliary atresia. Kung tawagin si Kirby ay yellow baby dahil sa kanyang paninilaw.
Sa ngayon ay nasa pangangalinga ng Lingkod TV Patrol ni Korina Sanchez si Kirby at kailangang maka-raise ng P2 million para sa kanyang liver transplant.
Agad na sumaklolo ang MMK. Ongoing na ang text at Touch Mobile subscribers.
Last week sa Maalaala Mo Kaya ay isinadula ang buhay ni Nikolai Magtibay, isa sa mga naunang case ng biliary atresia dito sa bansa. Sa ngayon, nagpapagaling na si Nikolai. Marami rin ang tumulong para sa agarang pagpapaopera ni Nikolai.
Hanggang bukas, March 25 ay pwedeng mag-text para sa tulong kay Kirby Hizon. Para sa iba pang tulong pinansyal kay Kirby, pwede po kayong tumawag sa Lingkod TV Patrol sa 415-2272. Or pwede ninyong i-deposit sa Equitable-PCI bank account ni Kirby - 1491022821.
According to Maloli Espinosa-Manalastas vice president for corporate & government affairs and PR na hindi totoo ang kumalat na balita.
"As far as management is concerned, its not true. I hope Tito Dolphy will come out with his statement soon," sabi sa akin ni Ms. Maloli.
I personally feel na unfair kay Dolphy at ABS CBN na magamit ang isyu para pag-usapan si Fernando Poe, Jr. If it was a deliberate move by FPJ strategist, it was a pathetic stunt. Very desperate ang move na yon.
Maraming artista ang ABS CBN who have openly declared their support for FPJ pero tuloy ang trabaho nila sa said network. Kung tutuusin nga, maganda ang coverage na nakuha ni FPJ sa news programs ng ABS CBN kumpara sa ibang kandidato. Marami nga ang nagtatanong sa akin if ABS CBN is supporting FPJs candidacy.
Nangako naman si Ms. Maloli na magi-issue ng official statement para ma-clear na finally ang issue.
"Recent reports state na may kinalaman talaga ang kantang "My Way" sa patayang nangyari. And based on our research, talagang may ganon nga. Kaya yun ang magiging undercover job nina Robin (Padilla) at Judy Ann (Santos) sa kwento," kwento sa akin ni BKK executive Julie Ann Benitez.
Si Michelle Bayle ang gumanap na serial killer. Iri-reveal sa mga susunod na episode ng Bastat Kasama Kita kung bakit niya pinapatay ang sinumang kumanta ng "My Way". Special guest din sina Rodel Velayo at Cloyd Robinson.
Bastat Kasama Kita, directed by Jerry Sineneng and Trina Dayrit, remains a top-rating primetime soap opera.
Si Direk Jojo ay isa sa mga in-house directors ng ABS-CBN. Siya ang direktor ng Victim at Wazzup Wazzup.
Mula sa pamunuan ng Pilipino Star Ngayon, ang pakikiramay, Direk Jojo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended