Marami ring pinagdaanang unos ang relasyon nina Sylvia at Art at dumating pa nga sa punto na nagkahiwalay sila upang muling magkabalikan. At dito lamang nila marahil napagtanto na silay muling pinagsama ng Diyos para magsama sa hirap at ginhawa.
Sa loob lamang ng tatlong buwan, tatlo sa mga anak-anakan ng talent manager na si Angge (Cornelia Lee) ang nagpakasal. Nauna na rito ang aktres na si Eula Valdez sa kanyang Australia-based Filipino boyfriend na si Richard Litonjua (nung December 27 na ginanap sa Boracay), sumunod dito si Matet de Leon nung Marso 20 sa kanyang basketbolistang boyfriend na si Mikey Estrada at kasunod naman sina Sylvia at Art sa darating na Sabado ng hapon.
Nang ma-discover ni Matet na siyay nagdadalang-tao, agad niya itong ipinaalam kay Mikey at maging sa kanyang mommy (Nora Aunor), sa kanyang daddy (Christopher de Leon) at sa kanyang ate Lotlot (de Leon). Hindi nag-aksaya ng panahon si Guy at inayos kaagad ang civil wedding rites ng dalawa na nangyari nung nakaraang Pebrero 26 sa bahay mismo ng manager ni Guy na si Norie Sayo sa Greenhills. At sumunod na rito ang church wedding ng dalawa nung nakaraang Sabado, Marso 20 na ginanap sa Mt. Carmel Church sa Project 6, Quezon City.
Magta-tatlong buwan nang buntis si Matet at nakatakda itong magsilang sa Oktubre 13 at si Dra. Estrelita Adan, isa sa kanilang mga ninang sa kasal ang siyang tumatayong OB-Gynecologist ni Matet.
Ang young couple ay nakatira ngayon sa isang rented condo unit sa may Panay Avenue sa Quezon City.
Samantala, hindi ikinakaila ni Matet na masayang-masaya siya sa church wedding nila ni Mikey dahil ang kanyang estranged parents na sina Nora Aunor at Christopher de Leon ang naghatid sa kanya sa altar Bukod sa kanyang Kuya Ian (de Leon) na nasa Japan, kumpleto ang attendance ng kanyang mga kapatid - Lotlot, Kiko at Kenneth at mga pamangkin. Naroon din ang ex-husband ni Lotlot na si Monching na personal na inimbitahan ni Matet.
May plano ang Siyete na imbitahan si Ms. Mel Tiangco para pansamantalang humalili kay Joey dahil kakaiba ang hatak nito sa mga manonood. Ang magiging problema na lamang ay ang schedule ni Mel dahil bukod sa araw-araw niyang 24 Oras news program at ang lingguhang Magpakailanman at Partners: Mel & Jay.
Ang romansa nina Aiko at Victor ay nagsimula sa set ng pelikulang kanilang pinagsamahan, ang Filipinas na dinirek ni Joel Lamangan at naging kalahok sa 2003 Metro Manila Film Festival ng Viva Films. Kung gaano kabilis ang kanilang pag-iibigan, siya ring bilis ng kanilang paghihiwalay.