Love affair nina Matet at Mikey
March 24, 2004 | 12:00am
Kadalasan, ang buwan ng Hunyo ang nagiging paboritong Wedding Month sa maraming couples pero sa iba nating celebrity couples ay pinili nila ang buwan ng Marso sa kanilang pagpapakasal sa simbahan. Ngayong buwan ng Marso, tatlong celebrity couples na bale ang nagpakasal - sina Cong. Jules Ledesma at Assunta de Rossi nung nakaraang Marso 14, sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez nung Marso 15, sina Matet de Leon at Mikey Estrada nung Marso 20 at bukas, Marso 25 ay ikakasal naman ang singer-actor photographer na si Raymond Lauchengco sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Mia Angela Rocha sa pamamagitan ng isang Christian garden wedding na gaganapin sa Sta. Elena Gold and Country Club sa Cabuyao, Laguna sa ganap na ika-5:30 ng hapon. Sa darating namang Sabado, Marso 27 ay ikakasal naman sa Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagaytay City ang matagal nang live-in sweethearts na sina Sylvia Sanchez at ang businessman na si Art Atayde. Ang reception naman ay gaganapin sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay. Ang mag-asawa ay may tatlo nang anak.
Marami ring pinagdaanang unos ang relasyon nina Sylvia at Art at dumating pa nga sa punto na nagkahiwalay sila upang muling magkabalikan. At dito lamang nila marahil napagtanto na silay muling pinagsama ng Diyos para magsama sa hirap at ginhawa.
Sa loob lamang ng tatlong buwan, tatlo sa mga anak-anakan ng talent manager na si Angge (Cornelia Lee) ang nagpakasal. Nauna na rito ang aktres na si Eula Valdez sa kanyang Australia-based Filipino boyfriend na si Richard Litonjua (nung December 27 na ginanap sa Boracay), sumunod dito si Matet de Leon nung Marso 20 sa kanyang basketbolistang boyfriend na si Mikey Estrada at kasunod naman sina Sylvia at Art sa darating na Sabado ng hapon.
Nakakatuwa pala ang love affair nina Matet de Leon at Mikey Estrada. Unang nagkakilala ang dalawa nung Hulyo 18 nung nakaraang taon sa pamamagitan ng kanilang common friend. Nagpalitan ang dalawa ng kanilang cellphone numbers pero si Matet ang unang nag-text kay Mikey at yon ang naging daan ng kanilang romansa. Hulyo 31 ay naging mag-on na ang dalawa. Hindi ikinakaila ni Matet na crush na niya si Mikey sa unang kita pa lamang niya rito. Lalo umano siyang humanga sa cager nang madiskubre niya ang tunay na ugali nito - responsable, malambing, mabait at syempre, guwapo. Six feet and four inches ang taas ni Mikey at 5"2 naman si Matet.
Nang ma-discover ni Matet na siyay nagdadalang-tao, agad niya itong ipinaalam kay Mikey at maging sa kanyang mommy (Nora Aunor), sa kanyang daddy (Christopher de Leon) at sa kanyang ate Lotlot (de Leon). Hindi nag-aksaya ng panahon si Guy at inayos kaagad ang civil wedding rites ng dalawa na nangyari nung nakaraang Pebrero 26 sa bahay mismo ng manager ni Guy na si Norie Sayo sa Greenhills. At sumunod na rito ang church wedding ng dalawa nung nakaraang Sabado, Marso 20 na ginanap sa Mt. Carmel Church sa Project 6, Quezon City.
Magta-tatlong buwan nang buntis si Matet at nakatakda itong magsilang sa Oktubre 13 at si Dra. Estrelita Adan, isa sa kanilang mga ninang sa kasal ang siyang tumatayong OB-Gynecologist ni Matet.
Ang young couple ay nakatira ngayon sa isang rented condo unit sa may Panay Avenue sa Quezon City.
Samantala, hindi ikinakaila ni Matet na masayang-masaya siya sa church wedding nila ni Mikey dahil ang kanyang estranged parents na sina Nora Aunor at Christopher de Leon ang naghatid sa kanya sa altar Bukod sa kanyang Kuya Ian (de Leon) na nasa Japan, kumpleto ang attendance ng kanyang mga kapatid - Lotlot, Kiko at Kenneth at mga pamangkin. Naroon din ang ex-husband ni Lotlot na si Monching na personal na inimbitahan ni Matet.
Pansamantala nang nagpaalam si Parañaque Mayor Joey Marquez sa kanyang dalawang programa sa GMA-7, para bigyang-daan ang kanyang kandidatura sa pagka congressman ng Parañaque na magsisimula ngayong Marso 25. Win or lose, babalik si Joey sa dalawa niyang programa.
May plano ang Siyete na imbitahan si Ms. Mel Tiangco para pansamantalang humalili kay Joey dahil kakaiba ang hatak nito sa mga manonood. Ang magiging problema na lamang ay ang schedule ni Mel dahil bukod sa araw-araw niyang 24 Oras news program at ang lingguhang Magpakailanman at Partners: Mel & Jay.
Third party umano sa panig ni Victor Neri ang naging dahilan ng shortlived romance nila ni Aiko Melendez. Hindi pa rin nagsasalita tungkol dito ang konsehala ng Quezon City at maging si Victor ay tahimik pa rin tungkol sa issue. Hindi man nagtagal ang relasyong Aiko at Victor, wala umanong oras si Aiko na magmukmok lalo pat abala ito ngayon sa kanyang reelection bid sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito ng Quezon City.
Ang romansa nina Aiko at Victor ay nagsimula sa set ng pelikulang kanilang pinagsamahan, ang Filipinas na dinirek ni Joel Lamangan at naging kalahok sa 2003 Metro Manila Film Festival ng Viva Films. Kung gaano kabilis ang kanilang pag-iibigan, siya ring bilis ng kanilang paghihiwalay.
[email protected]
Marami ring pinagdaanang unos ang relasyon nina Sylvia at Art at dumating pa nga sa punto na nagkahiwalay sila upang muling magkabalikan. At dito lamang nila marahil napagtanto na silay muling pinagsama ng Diyos para magsama sa hirap at ginhawa.
Sa loob lamang ng tatlong buwan, tatlo sa mga anak-anakan ng talent manager na si Angge (Cornelia Lee) ang nagpakasal. Nauna na rito ang aktres na si Eula Valdez sa kanyang Australia-based Filipino boyfriend na si Richard Litonjua (nung December 27 na ginanap sa Boracay), sumunod dito si Matet de Leon nung Marso 20 sa kanyang basketbolistang boyfriend na si Mikey Estrada at kasunod naman sina Sylvia at Art sa darating na Sabado ng hapon.
Nang ma-discover ni Matet na siyay nagdadalang-tao, agad niya itong ipinaalam kay Mikey at maging sa kanyang mommy (Nora Aunor), sa kanyang daddy (Christopher de Leon) at sa kanyang ate Lotlot (de Leon). Hindi nag-aksaya ng panahon si Guy at inayos kaagad ang civil wedding rites ng dalawa na nangyari nung nakaraang Pebrero 26 sa bahay mismo ng manager ni Guy na si Norie Sayo sa Greenhills. At sumunod na rito ang church wedding ng dalawa nung nakaraang Sabado, Marso 20 na ginanap sa Mt. Carmel Church sa Project 6, Quezon City.
Magta-tatlong buwan nang buntis si Matet at nakatakda itong magsilang sa Oktubre 13 at si Dra. Estrelita Adan, isa sa kanilang mga ninang sa kasal ang siyang tumatayong OB-Gynecologist ni Matet.
Ang young couple ay nakatira ngayon sa isang rented condo unit sa may Panay Avenue sa Quezon City.
Samantala, hindi ikinakaila ni Matet na masayang-masaya siya sa church wedding nila ni Mikey dahil ang kanyang estranged parents na sina Nora Aunor at Christopher de Leon ang naghatid sa kanya sa altar Bukod sa kanyang Kuya Ian (de Leon) na nasa Japan, kumpleto ang attendance ng kanyang mga kapatid - Lotlot, Kiko at Kenneth at mga pamangkin. Naroon din ang ex-husband ni Lotlot na si Monching na personal na inimbitahan ni Matet.
May plano ang Siyete na imbitahan si Ms. Mel Tiangco para pansamantalang humalili kay Joey dahil kakaiba ang hatak nito sa mga manonood. Ang magiging problema na lamang ay ang schedule ni Mel dahil bukod sa araw-araw niyang 24 Oras news program at ang lingguhang Magpakailanman at Partners: Mel & Jay.
Ang romansa nina Aiko at Victor ay nagsimula sa set ng pelikulang kanilang pinagsamahan, ang Filipinas na dinirek ni Joel Lamangan at naging kalahok sa 2003 Metro Manila Film Festival ng Viva Films. Kung gaano kabilis ang kanilang pag-iibigan, siya ring bilis ng kanilang paghihiwalay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended