Juday, may oras pa sa charity
March 22, 2004 | 12:00am
Ang ginagawang therapy ni Judy Ann Santos bilang pagpapahinga sa kanyang patung-patong na showbiz commitment ay ang pagtulong sa kawanggawa. Kung tutuusin, walang tulog ang aktres sa kanyang mga ginagawang taping, shooting at nadagdagan pa ito ng pagkakampanya sa kanyang iniindorsong kandidato.
Kung minsan ay lupaypay na ang aktres sa sunud-sunod nitong commitments pero pagdating sa pagkawanggawa ay nagkakaroon ito agad ng lakas para pagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga kababayang kapos sa pamumuhay.
Kamakailan lamang ay naging matagumpay ang fund raising show ng kanyang Touch A Heart Foundation na ginanap sa Club Chill na matatagpuan sa Morato Avenue. Tinampukan ito ng mga banda tulad ng Heavy Traffic na ang vocalist at lead guitarist ay si TJ Trinidad na kasama ng aktres sa teleserye ng Dos, ang Bastat Kasama Kita. Kasama ang The Soul Band na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes, Sentimental Groove at naging special guest nila si Nina na nagpaunlak ng dalawang magandang awitin.
Tuwang-tuwa ang aktres dahil hindi naging madamot ang mga kaibigan nitong pagbigyan siya ng suporta sa kanyang fund raising. "Alam nila na for a good cause ang palabas na ito kaya sinuportahan ako. Kung ano man ang malilikom namin dito ay pambili ito ng mga medisina para sa mga kababayang may sakit na walang pambili ng gamot at sa mga emergency na kailangan ang tulong namin." Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended