Apat na magkaribal

Usong-uso noon at maging ngayon ang tatlong magkasalo.

Sa pinakabagong pelikula ng Vincent Films na Karibal na showing na sa darating na Miyerkules, March 24 ay iba naman ang pauuso ng pelikula, apat, magkasalo naman ang drama nina Maye Tongco, Francis Enriquez, Kat de Santos at Mark Dionisio.

Silang apat ang mga pangunahing karakter sa pelikula na base sa mga kwento ng apat na bida ay pinagsaluhan ng dalawang lalaki ang alindog at tamis nina Maye Tongco at Kat de Santos.

Umubra sa apat na bituin na pagsaluhan nina Francis at Mark si Maye gayundin si Kat. Umokey din na angkinin ni Mark Dionisio ang init ni Kat de Santos at ang kasariwaan ni Maye Tongco.

Ito ang pelikulang hanap ninyo, siguradong magi-enjoy ang sinumang makakapanood ng pelikulang Karibal na sa simula hanggang sa wakas ay hitik na hitik sa mga eksenang nakakakiliti, nakapag-iinit at nakakapaso.

Ang Karibal ang sinasabing pinakamainit na pelikula ngayong taon.

Show comments