Bukod sa magkakahiwalay na duets with Basil, Michelle, Akafellas at Old School, may novelty production number naman sila ni Aiai at may magkakahiwalay siyang duets sa apat niyang mga kasamahan sa The Hunks na sina Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi at Bernard Palanca at pagkatapos nito ay ang sariling production number ni Piolo with the Hunks.
Inaasahan din na aawitin ni Piolo ang mga awitin galing sa kanyang platinum debut album niya at maging sa kanyang pinakabagong album na pinamagatang "My Gift". Ang nasabing concert ay produced ng Star Records (recording company ni Piolo) sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN.
Dahil malapit na ang kanyang concert, itoy pinaghahandaan na ni Piolo nang husto. Nagbo-voice lessons siya kay Elver Esquivel at pinag-aaralan na rin niya ang mga songs na kanyang aawitin.
Malamang na kantahin din niya ang favorite song ng kanyang mommy, ang "Hanggang" na inawit ni Wency Cornejo at naging theme song sa pelikulang Dekada na nakapagbigay kay Piolo ng awards sa best supporting actor.
Pero bago ang kanyang concert, nakatakdang umalis si Piolo at mga kasamahan niya sa The Hunks para sa magkahiwalay na concert sa San Francisco at San Diego sa unang linggo ng Abril.
Ayon kay Piolo, dahil sa hectic ng kanyang schedule, hindi na umano niya nakukuhang gumimik dahil ang kanyang igigimik ay itinutulog na lamang niya para hindi siya mawalan ng lakas.
Ang first major solo concert ni Piolo ay ire-record nang live sa DVD ng Star Records. Itoy iku-cover din ng ABS-CBN para gawing isang TV musical special.
Samantala, inaasahan ni Piolo na dadalo sa kanyang concert hindi lamang ang kanyang pamilya kasama ang kanyang six-year-old son na si Iñigo, kundi maging ang kanyang mga naging leading-lady sa pelikula tulad nina Judy Ann Santos, Donita Rose, Claudine Barretto at Janna Victoria.
Bukod sa mga special guest performers, may mga nakalaan pang surprise guests.
Isang garden Christian wedding ang magaganap na kasalan sa pagitan nina Raymond (38) at Mia (28) na unang nagkakilala nung March 2000 nang minsang mapasyal si Raymond sa gallery ni Mia sa Parañaque.
Ang unang pagkikita nilang yon ay nasundan pa hanggang sa maging persistent sa panliligaw si Raymond kay Mia. After three months, sinagot ni Mia si Raymond.
Narito ang kumpletong talaan ng wedding entourage nina Raymond at Mia: Si Kimberly Ann Rocha (kapatid ni Mia) ang tatayong Maid of Honor. Ang kapatid naman ni Raymond na si Ramon Lauchengco ang tatayong Best Man. Ang dalawang bridesmaids ay parehong kapatid nina Raymond at Mia na sina Martha Rose at Ma. Georgina habang si Ma. Teresa Nicole (pamangkin ni Raymond) ang Junior Bridesmaid.
Ang mga tatayong principal sponsors ay sina Freddie Santos at Ayen Munji-Laurel; Mauro Malang Santos at Cynthia de Guzman-Bayaborda, Rene Rocha at Marianne Aquino-Sullivan; Manolo Aquino at Victoria Larrinaga; Francisco Kong at Evelyn Malijan-Yoro, Jose Luis Yulo at Marian Magsino at sina Benjamin Yap at Edna Guiyab.
Si JC Buendia ang may gawa ng bridal gown at suit ng groom maging ng mga gowns ng entourage.
Ang wedding rings na gagamitin nina Raymond at Mia ay parehong wedding rings na ginamit ng grandparents ni Raymond nang ang mga itoy ikasal 63 taon na ang nakakaraan. Ang dalawang wedding band na isusuot ni Raymond ay simpleng white gold habang ang kay Mia ay white gold din na may siyam na diamonds. Ang dalawang singsing ng grandparents ni Raymond ay kailangang ire-size at lagyan ng engrave.
Si Ching Avis ang magmi-make-up sa bride. Champagne at ivory ang wedding motif habang ang wedding cake ay gawa ni Christine Siy-Uy ng Lil Abbys Kitchen.
Ang mga give-away para sa mga principal sponsors ay tig-iisang sculpture na gawa ng ama ni Mia, si G. Carlos Rocha. Ang mga give-away naman para sa mga babaeng guests ay wooden doorstoppers na gawa naman ng ina ni Raymond.
Ang wedding invitation calligraphy ay gawa naman ng kapatid ni Mia na si Kimi Rocha habang mga lanters at luminaries na nakasabit sa reception area ay gawa ni Raymond bilang wedding gift sa kanyang future bride.
Ang mga flower decorations ay pinagtulung-tulungan ng kapatid ng bride at groom. Ayon kay Mia, wala umano silang kinuhang wedding coordinator, sa halip ay tulung-tulong umano ang respective families nila ni Raymond sa paghahanda ng lahat. Ang food naman sa reception ay catered ng Sta. Elena Golf and Country Club. Ang pamilya ni Raymond ang magpu-provide ng mahigit 30 lbs. ng cheese at isang daang pounds ng prime ribs galing Amerika para lamang sa kasal. Ang kapatid ni Raymond na si Vicky ang maghahanda ng sangria na ise-serve sa cocktails at sa dinner proper.